Kabanata 8:Tunay na Ama

2 1 0
                                    

Sa aking pagkakaroon muli ng malay, nakita ko si Madonna na may hawak na baril at nakatutok ito sa akin. Nalaman ko na kami pala ay nasa isang building na ipinapatayo pa lamang. Isang maling galaw ko lang ay mahuhulog na ako kaya nanatili akong kalmado.

Nagulat ako nang malaman ko na naka live stream pala kami. Binati pa nga ni Madonna ang mga manonood. Hindi ko alam kung anong balak niyang gawin pero alam ko na gusto niya akong patayin.

Maya-maya pa ay tinanong niya ako kung sino ba talaga ako at kung bakit ko hinahanap ang tunay na anak ng aking mga magulang. Tumanggi akong sumagot pero pinagbantaan niya ako kaya wala rin akong nagawa kung hindi sabihin ang tunay kong pagkatao sa harap niya at ng iba pang mga manonood. Sinabi ko na ako ay si Alex Rodolfo,ang inampon nina Mirna at Ronaldo Adolfo. Nagulat siya sa nalaman niya at nagalit din dahil pakiramdam niya ay trinaydor ko siya.

Makalipas ang ilang sandali,dumating si tito Lucas at pinigilan si Madonna. "Madonna,tigilan mo na ang kalokohan mo! Pakawalan mo na si Alex!",galit na sabi niya. "AHAHAHAHA,ngayon lang kita nakitang ganyan,takot ka bang mawala siya?",saad ni Madonna, "Eh paano kung gawin ko din sayo yung ginawa mo sa akin ha?!",dagdag niya pa. Nagtaka ako at napatanong kay tito kung ano ang ibig sabihin ni Madonna. "Eh bakit hindi siya ang tanungin mo Alex?! Sigurado akong alam ni Lucas ang lahat",saad ni Madonna.

Hindi mapakali si tito Lucas at hindi malaman kung ano ang sasabihin. Sinabi naman ni Madonna ang katotohanan. Sinabi niya na pinatay ni tito Lucas ang anak niya 25 years ago. Ilang taon palang raw ito ay hinayaan lang itong malunod ni tito Lucas kahit pa hawak niya ito. Sinabi rin ni Madonna na ang tunay kong ama ay si tito Lucas. Hindi ako makapaniwala sa mga narinig ko pero,nang si tito Lucas mismo ang nagsabi,naniwala ako. Ang inaakala kong tito ay ang tunay ko palang ama. Kaya pala mula noon hanggang ngayon ay mabait siya sa akin. Kaya pala pumayag siyang maging spy ko kina Madonna at Luna. Oo,tama kayo ang taong iyon ay si tito Lucas,ibig kong sabihin si papa. Nung una akala ko kapag nakilala ko ang tunay kong ama ay magagalit ako sa kanya pero, umiyak ako at naging masaya nung malaman ko kung sino ang tunay kong tatay.

Lumapit siya sa akin at niyakap ako. Ganito pala ang pakiramdam,ang pakiramdam na makita,makilala at mayakap ang tunay mong magulang. Ang saya-saya ko ng araw na iyon. Pero,nawala ang lahat ng 'yon ng mahulog siya sa building. Parehas dapat kaming mahuhulog pero tinulak niya ako papalayo kaya nakaligtas ako at siya ay tuluyang nahulog. Laking panghihinayang ko nung mga pagkakataon na 'yon. Oo at matagal ko na siyang nakasama pero, ngayon ko lang nalaman na siya ang tunay kong ama kaya sising-sisi ako sa  mga pagkakataong nasayang para makapiling ko siya.

REVENGE: The Girl and Her True Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon