Matapos kong magkaroon ng access sa mga impormasyon tungkol kina tita Madonna at Luna,isinunod ko naman ang pagpapa-imbestiga sa dating nagyaring pagpatay. Nag-hire ako ng private investigator para gawin ito. Gusto kong mahanap ang tunay na pumatay sa aking ama at gusto ko rin malaman kung talagang nagpaka-matay si ina o pinatay din.
Matapos ang ilang mga pag-iimbestiga ay nadiskubre niya na hindi talaga nagpakamatay si ina,may tumulak daw umano sa kanya kaya siya ay nahulog mula sa mataas na gusali. Napaiyak ako sa mga sinabi ng imbestigador,pero mas lalo akong umiyak nang malaman ko na ang pumatay sa aking ama at nagtulak sa aking ina ay iisang tao lamang. Sinabi naman ng imbestigador na siya na mismo ang hahanap ng lalaking iyon na may tattoo.
Matapos kong malaman iyon ay nagtungo ako sa sementeryo para bisitahin ang aking ama't ina. Nagdala ako ng mga paborito nilang pagkain. Alam ko na hindi ako perpektong anak pero,gagawin ko ang lahat para managot ang lalaking gumawa ng ito sa aking mga magulang. Kasabay ng pagpunta ko sa kanila,binisita ko rin ang aking lola. Patago na lamang akong pumunta para walang makakita sa akin. Nangako naman ako kay lola na pagbabayarin ko si tita Madonna sa mga kasalanang ginawa niya lalo na sa aming dalawa.
Makalipas ang ilang araw,tumawag sa akin ang private investigator. Sinabi niya sa akin na may bagong balita tungkol sa paghahanap niya sa lalaki. Nagkita kami at sinabi niya sa akin na natagpuan niya na ang lalaking iyon, sa kasalukuyan,may sakit daw ito. Sinabi ko naman sa kanya na wala akong pakialam kung ano pa man ang kanyang kalagayan at ang mas mahalaga ay makita ko siya at masampahan ko na siya ng kaso.
Sinamahan niya ako sa bahay ng lalaki. Nakita ko nga na May sakit talaga ito. Tinanong ko ang kanyang asawa kung ano ang kalagayan ng lalaking iyon at sabi niya ay may kanser daw ito sa baga ngunit wala silang pangpa-ospital kaya nananatili nalang siya sa kanilang bahay. Nakita ko ang kanyang mga anak na nananatili sa kanyang [lalaki] tabi upang bantayan siya at siguraduhing ayos siya.
Nung mga oras na iyon,gusto ko nalang na hindi ituloy ang kaso sa kanya dahil nga sa kanyang kalagayan at pati narin ng kanyang pamilya. Naawa ako sa kanila lalo na sa mga bata. Ramdam ko ang hirap ng walang magulang kaya ayaw kong kunin sa kanila iyon. Noong mga oras din iyon, bigla nalang hindi na huminga ang lalaki at nagsi-iyakan ang kanyang mga anak at asawa. Napa-upo ako sa sobrang awa sa mag-iina. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko para mapagaan ang kanilang pakiramdam. Alam ko naman sa sarili ko na hindi ko na maibabalik ang buhay niya pero sa puso ko gusto ko silang tulungan. Alam ko na malaki ang kasalanan ng lalaking iyon sa aking pamilya ngunit, nangibabaw ang aking awa sa kanyang mga mahal sa buhay dahil sa kanilang kalagayan at pagkawala niya.
Napag-isip-isip ko na,siguro iyon talaga ang kapalaran ko,ang kapalaran ko na maging saksi sa mga pighati na nararanasan ng ibang tao at ng aking sarili. Hindi kakayanin ng aking konsensya kung pababayaan ko nalang sila kaya naman sinagot ko na ang mga gastusin hanggang sa pagpapa-libing niya.
Makalipas ang ilang araw,ay nailibing na rin siya. Para naman makatulong sa pagpapa-aral ng mga bata, ipinangako ko na sasagutin ko ang mga gastusin nila mula high school hanggang college.
Samantala,tila nagalit sa akin ang pinagkakatiwalaan kong tao na nagbabantay kina tita Madonna at Luna. "Masyado ka na yatang nababalot ng emosyon mo",saad niya. Tinanong ko siya kung ano ang ibig niyang ipabatid sa akin at sinabi niya na "Ipinapaalala ko lang sa iyo na mayroon tayong plano at dapat mong isantabi ang emosyon mo,mag-focus ka sa plano natin at hindi yung inuuna mo pa ang pagtulong sa pamilya ng lalaking pumatay sa mga magulang mo". Tila para akong natauhan sa mga sinabi niya sa akin. Tama siya,dapat hindi ako magpakita ng awa kung kaninuman lalo na ngayon na may plano kami na maghiganti.
Sinabi niya rin sa akin na pupunta si tita Madonna sa isang bar ng patago kaya kailangan ko siyang maabutan.
Nagpunta din ako sa bar na iyon. Nakita ko si tita Madonna na may kalampungan,at dahil dito nakapag- video ako. Nai-video ko ang pakikipag-lampungan niya sa mga lalaki doon sa bar. Nakunan ko ang bawat eksena at tila ba mayroong iniinom si tita Madonna na nagiging sanhi ng pagka-high niya. Nalaman ko na ito nga ay drugs. Nalaman ko rin na sa tuwing pumupunta sa bar na ito si tita Madonna ay nagdadala siya ng drugs para magamit niya at maaliw siya.Bago ko i-upload ang video na ito ay gumawa muna ako ng account para hindi nila malaman ang tunay na ako. Siyempre,matalino ata ako kaya iba rin ang ginamit kong phone number, email,name at address. Sa account na ito ko pinost ang video. Tinawagan ko ang ibang mga influencer para ipakalat ang video na ito.
Makalipas lang ang ilang oras,nag- viral agad ang video at nagkalat na sa iba't-ibang social media websites. Pero ang video na ito ay nagpapakita pa lamang ng pagiging wild ni tita Madonna at hindi ko pa isinama ang pag-take niya ng drugs. Sinabi rin sa akin ng source ko na nagmamanman kina tita Madonna at Luna na hindi mapakali si Luna dahil sa video na ito.
Sinundo ni Luna si tita Madonna mula sa bar upang iuwi na ito dahil nga sa mga nagkalat na video niya online.Nang bumalik na sa kanyang katinuan si tita Madonna,ipinakita ni Luna sa kanya ang kanyang video na sumasayaw na may kasamang mga lalaki sa bar. Nagalit si tita Madonna at nahihiya din siyang lumabas ng bahay dahil sa kahihiyang idinulot niya. Apektado rin ang kanilang kompanya dahil sa nangyari.
BINABASA MO ANG
REVENGE: The Girl and Her True Identity
Historia CortaAng REVENGE ay tumutukoy sa mga kwento ng paghihiganti. Ito ay may iba't ibang kwento at ang unang kwento nito ay tungkol sa isang babae na nakaranas ng kalupitan at karahasan mula sa ibang tao. Naranasan niya ang hirap ng pagiging isang ulila. Gina...