Kabanata 6: Mirna at Ronaldo

2 1 0
                                    

Isa sa mga private investigators na kinuha ko para magpa-imbestiga sa mga nangyari sa mga magulang ko ay biglang tumawag sa akin. Sinabi niya na may nadiskubre siya na kailangan ko talagang malaman kaya naman, sinabi niya sa akin na gusto niya akong makipagkita sa kanya para masabi ito ng personal. Nang makarating na ako sa meeting place dapat namin,hindi ko siya naabutan doon. Hinanap ko siya sa paligid pero hindi ko talaga siya makita. Sinubukan ko siyang tawagan pero hindi siya sumasagot. Nagtaka ako kung bakit ganon,hindi naman siya yung taong hindi marunong tumupad sa usapan at isa pa siya ay isa sa mapagkakatiwalaan kong imbestigador.

Makalipas ang ilang sandali, nagdesisyon na akong umalis. Habang nagmamaneho ako ng kotse,nakita ko ang tumpok ng mga tao di kalayuan sa pinuntahan ko. Nagdesisyon akong tumigil upang malaman kung ano ang pinagkakaguluhan nila doon. Sa aking pagbaba,nakita ko ang dugo na patuloy kumakalat sa kalsada. Agad akong lumapit at nakita ko ang isang patay na lalaki. Walang iba kung hindi ang pinagkakatiwalaan kong imbestigador. Umiyak nalang ako at napaluhod sa kalsada. Hindi ko alam kung bakit nangyari ito sa kanya. Napa-isip ako kung ito bang nangyari na ito ay aksidente o talagang sinadya.  Pero,wala naman ako maisip na gagawa nito sa kanya. O baka marahil ay dahil sa mga inimbestigahan niya.

Nagsisi ako dahil hindi agad ako nakapunta sa kanya. Hindi ko tuloy siya naligtas at hindi ko rin nalaman ang gusto niyang sabihin sa akin ng personal. Marahil ay sadyang mahalaga ito kaya gusto niya itong personal na sabihin. Dahil sa nangyari sa kanya at dahil sa kagustuhan ko na malaman ang dapat sasabihin niya, ako na mismo ang nag-imbestiga. Hiniram ko muna mula sa kanyang pamilya ang kanyang cellphone. Tinignan ko ang mga files at may nakita ako na kahina-hinala. Nakalagay kasi sa name ng file ay Mirna and Ronaldo's Case.

Ang mga pangalan na nakalagay dyaan ay pangalan ng mga magulang ko. Binuksan ko ang file na ito at nagulat ako sa mga nakita ko. Nakita ko ang mga larawan ng aking mga magulang kasama ako at ang mga larawan kung saan ay nagtitinda kami ni ina. Nagulat ako dahil mula pa pala noon ay sinusubaybayan niya na kami. Nakita ko rin ang mga larawan ni Luna sa file na iyon. Lalo akong nagtaka at napayabong sa aking sarili kung bakit may mga ganito siyang larawan.

Makalipas ang ilang sandali,tumawag sa akin ang anak niyang si Daniel. Sinabi niya sa akin na may iniwang sulat sa akin ang kanyang ama bago siya mawala. Sinabi daw ng kanyang ama sa kanya na ibigay ito sa akin kung sakaling may masamang mangyari sa kanya. Pumunta ako mismo sa kanila para kunin ang sulat na iyon.

Nakalagay sa sulat ang kanyang mga kahilingan at mga gustong ipaalam sa akin. Nakalagay sa mga kahilingan niya na kung ano man ang mga malalaman ko ay dapat itago ko nalang at wag nang ilantad pa sa publiko. Nakalagay din naman dito na hindi ako ang tunay na anak ni Mirna at Ronaldo Adolfo. Nakalagay dito na ipina-ampon lang ako ng tunay kong mga magulang sa kanila. Sinasabi dito na ang aking ina ay matagal ng patay. Namatay daw siya matapos akong ipanganak at mula noon ay ang tunay ko nalang ama ngunit,hindi niya raw makayanan na palakihin ako kahit pa mayaman siya kaya ipina-ampon niya ako sa isang pamilyang naghahangad na magkaroon ng anak.

Nakasaad din sa sulat na mayroon din palang tunay na anak ang mga magulang ko na nag-ampon sa akin. Babae din ang anak nilang iyon at ka-edad ko lang din pero,nawala siya dahil sa nasunog ang ospital kung saan siya ipinanganak. Nalungkot ako sa mga nalaman ko,lalo na nung nalaman kong ampon lang ako. Sa kabilang banda,gusto ko rin na malaman kung sino at kung nasaan na ba ngayon ang tunay nilang anak. Gusto kong malaman kung nasa maayos siyang kalagayan at gusto ko na kapag nahanap ko siya ay sa akin na siya titira. Tulad ng ginawa sa akin ng kanyang mga magulang,gusto ko siyang ampunin para maibalik man lamang ang kabutihan nila sa akin.

Samantala,hindi ko alam kung gusto ko pa na malaman kung sino ba talaga ang tunay kong mga magulang. Hindi ko alam kung gusto ko pa na malaman kung bakit ganon nalang niya ako kabilis ipamigay sa ibang tao samantalang,mayaman naman siya. Nang dahil sa ginawang iyon ng biological father ko,nakaranas ako ng hirap na hindi ko mararanasan kung nasa puder nila ako. Pero,kung hindi niya ginawa iyon,hindi ko makikilala ang mga taong itinuring kong mga tunay na magulang. Kung hindi niya ako ipinamigay,hindi ko mararanasan ang tunay na pagmamahal ng isang pamilya.

REVENGE: The Girl and Her True Identity Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon