[ Lea Pov. ]
Nandito ako ngayon sa harap ng Bruhama Club sa makati. Dahil narin sa text at utos ni Leslie na kailangan niya daw ako dahil naroon daw ang kanyang dating kasintahan na hanggang ngayon ay ginugulo parin siya. Ito ay walang iba kundi si Marcus.Nagda-dalawang isip pa nga ako na pumsok sa loob o umuwi nalang.
Beepep! Beepep! Beepep!
1 message recieve from Leslie
Text from Leslie:
Lea where the hell are you? Im f*cking pissed with this dirty trash ex of mine. Arrgghhhh!
Me:
Nandito na ako sa labas papasok na.
send…
From Leslie:
Ok. Im waiting you here at the bar counter. Oppss! did you wear what im wearing right now?
Me:
Ok. Ahm yes!
send…
From Leslie:
Good:)
Make it faster coz Im going out na with my friends.( Sigh )
Napabuga nalang ako ng hangin sa nabasa ko. Ano na naman kayang gagawin ko dito, eh hindi ko nga kilala ang mga tao dito sa loob. Ah… andito pala ako para libangin yung unggoy niyang ex. Tapos siya ay uuwi na kasama ang mga kaibigan niya. Malapit na mag madaling araw ah?! Nako patay na naman ako nito kila Mommy at Daddy.
" Teka lang miss… hindi ka pwedeng pumasok ng walang permiso sa nagpa- party sa loob." sabi ng isang bouncer na nagbabantay sa pinto.
" Excuse me? are you talking to me?" mataray kung tanong sa sa bouncer na sumita sa akin sa pagpasok ko sana.
" Sorry kuya bouncer pero kailangan ko lang talagang magtaray sayo para narin sa kapatid ko."
sabi ko sa aking isipan.
" Oo miss, ikaw yung tinutukoy niya." cold na sabi ng isa pang bouncer bigla tuloy akong natakot ang lalaki pa naman ng katawan nilang dalawa baka suntukin pa ako nito at baka kung saan ako lumipad sa payat kung to. Pero kailangan ko na talagang makapasok. Kailangan kung mag isip ng palusot.
" Ahem! hindi niyo alam na kaibigan ko ang may party sa loob. At kung nagtataka kayo, galing na ako dyan at lumabas lang ako sandali para magpahangin tapos hindi niyo na ako papasukin? what kind of bar is this?! Oh. my. god. i want to talk your manager right here! right now!. "
mahabang pasigaw na sabi ko na kunwaring galit. Grabe muntik na akong maubosan ng hangin. Pagtingin ko sa dalawang bouncer biglang namuti yung mukha akala mo naka inom ng isang galong suka sa sobrang puti.
" A- Ah- e- eh? miss pwede k-kanang p-pumasok sa l-loob. Sorry po. Wag niyo na pong tawagin yung manager namin. E-Enjoy the party m-miss. " uutal- utal na sabi nilang dalawa sa akin. Ang kanilang cold na boses ay tila naging kuting sa liit at takot.
Hindi ko na sila tinignan pa at mabilis na akong pumasok sa loob at agad na hinanap si Leslie. Nakita ko siya agad sa may sulok na may lalaking katabi ito na siguro yung Marcus her ex. Hindi agad ako lumapit tetext ko na muna siya.
Me:
Nandito na ako sa loob sa bandang pinto.
send…