Hay nako! Ang love talaga ang complicated. Sobra. Kung sino pa ang labis na magmahal, sya pa ang pinakanasasa---
Teka teka!!
Bakit ba ang hugot ko? Wala pa naman akong boyfriend? Hahahaha!! Pero kung may gusto man akong maging forever ko. Eh sino pa ba? Edi si Lester Ray A. Bartolome! Sya lang naman ang ang pinakagwapo at pinakasikat sa campus namin. Ano ba naman?! Nauna pang i-intruduce yung crush kaysa sa bida? Matinde. Hihihihi. Before I tell you my name, I'm gonna tell you something about myself.
Ako lang naman ang pinakamaganda sa campus namin. Syempre joke lang yung maganda. Alam naman ng lahat na panget ako, at tanggap ko naman yun. Ako rin ay ang pinakafriendly, kaso nga lang wala akong friends kasi nga daw, panget ako. My mother is a single parent. She is single and ready to mingle. Charot! Iniwan na kasi sya ni dad. Ayun, nauna na sa heaven. Naaksidente kasi sya. Iyak kaya ako ng iyak nung nawala sya. Mas close ko kasi si dad kasa kay mommy. Masyado kasing busy si mommy eh. Bata palang ako idol ko na si daddy eh. Kaya nung namatay sya. He became my inspiration. Tama na nga. Naluluha ako.
Anyway. Super crush ko talaga si Lester. Syempre may crush din ako noh! Sa ganda kong toh? Charot! Isang basketball player si Lester. Di nya naman gusto ang basketball pero ang galing nya. Lalong nakakainlove! Varsity nga rin pala sya ng swimming, at yun ang gusto nya. Ewan ko ba kung bakit sya sumali sa basketball. Pero hayaan na, magaling naman sya eh. Lagi nga syang nakaka-3 points sa puso ko. Hihihihi!
Ang dami naman ng something ko. Na-carried away ako kay Lester eh. Kainlove kasi. At alam nyo ba si Leste---
Puro Lester! Di ko na nasabi pangalan ko. Ako nga pala si Isabelle Charlotte Samonte. At ito ang kwento ko. Malamang kwento ko, di naman pwedeng kwento mo.
BINABASA MO ANG
Destiny's Mistake
Teen Fiction"We make our own destiny" -Percy Jackson, Sea of Monsters Destiny decides who you meet in life. But it is only your heart that can decide who gets to stay in your life. Si Isabelle Charlotte Ramirez, 17 years old. Siya ang sinasabing UGLY DUCKLING...