Chapter 2: Lester and his "sorry"

23 1 1
                                    


Heeeey! I'm back. The one and only diwata ng SLA! Charot. Kailangan ko na pumasok. Tsaka may investigation pa kong kailangan gawin! Diba yung kay Mr. Mysterious Ways? Then after nun I'm going to study the flirty thing este study my lessons pala. Hihihi. Ang naughty naughty mo talaga brain. Sorry kung ikaw palagi sinisisi ko ha? Kasi naman ikaw eh! Kinokontrol mo palagi si heart. Pati konsensya ko kinokontrol mo na yata. Charot lang. Osya, papasok na ako at terror teacher ang prof ko ngayon.

9:30 am na. Nandito ako ngayon sa Guererra Street. Kasama ko si Alyssa. Medyo na late ako ng konti sa usual time namin kasi kumain pa ko. Anyway, hindi ko pa narinig yung sigawan at hiyawan ng mga estudyante. Hay. Wala pa sila? Huhuhu. Ganitong oras nandito na ang Wagers.

"Alyssa? Pa text naman ako."

"Hay nako friend. Hindi na ako nag load. I-tetext mo nanaman si Les eh di ka naman nirereplyan. Tadyakan ko mani mo dyan eh!"

"Ay grabe ka naman! Edi hindi na! Eto naman di mabiro."

"Alam mo ba friend? Yung tita ko may bagong parlor. Ito nga eh nagpagupit ako. Ikaw, papaayos ka ba?"

"Ayoko. Takot ako sa make-up eh!"

"Echosera. Papagupit ka lang. Hindi ka magpapaganda dahil hindi ka na talaga gaganda. Hahahaha."

"Ay grabe na talaga. Grabe na ah. Eh yun na nga. Ayoko kasi yang make up na yan walang kwenta."

"Ah sige okay! Pero kung magbago man isip mo, ito. Punta ka sa bahay namin. Kasi palaging nandun tita ko. Yung salon niya, malayo layo dito ng onti. Kahit wala siya doon, may mga baklita naman."

Seriously? Wala akong balak magpaganda dahil matagal na akong maganda. Feel ko yun ha. Yun nga eh. Feel ko lang.

Umaakyat na kami ng hagdan, kaso bigla akong pinagtripan ng mga bruhang babae kaya muntikan na ko malaglag ng hagdan pero may nakasalo sa akin. Tingnan ko yung lalaki. Omg. Oh my gosh. Oh my goshhhh! Si Trench ang lapit ng mukha sa akin. Enebe. Keleg eke ah. Tenelengen me nememen eke.

"Huy! Isabelle! Okay ka lang?"

Ah. Sorry. Nawala lang sa sarili. Ilang seconds din pala akong naka kapit sa kanya.

"Ah okay lang ako. Tha-tha-thank you ah! Kundi mo ko sinalo siguro nabagok na ulo ko."

Emeghed.

Hanggang pag akyat ko kinikilig ako. Sh*t men. Hihihihi!

Si Alyssa parang tanga! Kanina pa nakatingin sakin na parang engot.

"Hoy! Gaga! Sobra na ah. Sobra ka na!"

"Eh kasi naman. Si Trench eh! Hihihi."

"Oh ayan ka nanaman. May Lester na may Trench pa? Landi ah!"

"Sorry, ganun talaga pag pretty! Ayan nga oh nakatingin pa din siya! Hihihi. Teka, bat hindi niya kasama si Les?"

"Hindi mo ba narinig yung bulung bulungan kanina? Echoserang Frog ka talaga. May sakit kaya siya! Kawawa naman."

"What? Ano? Hindo 'to pwede."

"Ha-ha. Akala mo naman may magagawa ka. Gaga ano-"

Huh! Gagawin ko talaga lahat para sa kanya! Mag aabsent ako sa klase ko. Bleh.

"Huy tekaa lang!"

"No!"

Binigay ko ang notebook ko kay Alyssa.

"Ayan. Isulat mo ako ng lessons. Pupuntahan ko siya sa bahay nila."

Narinig kong tinawag pa niya ako pero hindi na ko lumingon dahil mas kailangan ako ng jowa este ni Lester ko.

Destiny's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon