Chapter 6: Pink- A Cheater and a Liar

9 0 0
                                    

Isabelle's

Oh. My. G! Ang hot talaga ni Trench! Pucha. Tas kiniss pa ako ni Lester. Ano ba naman 'to?

"Lord, sino ba talaga sa kanila?! Pwede po mamaya pag natutulog na ako tas nanaginip ako ipakita niyo po sa akin yung dapat kong mahalin."

Sana matupad ni Lord yung wish ko. Ang gulo gulo kasi, e.

"Hoy! Bakla ka e, no? Akala ko ba best friend mo lang si Trench at si Lester ang mahal mo? Landi mo naman kung dalawa mamahalin mo!"

"Ay kabayong panget! Echosera ka namang gaga ka! Kagulat naman 'to! Teka nga lang. Kanina ka pa ba nandito, Alyssa? Narinig mo sinabi ko?"

"Oo! Para kang tanga."

"Naguguluhan na nga kasi ako, friendship."

"What do you mean na naguguluhan ka? Ibig mong sabihin.. may gusto ka kay TRENCH? Dapak men!"

"Hindi ko nga alam, e! Gaga ka ba? Ibig kong sabihin, I don't know kung sino talaga yung mahal ko.

"So mahal mo nga din si Trench."

"Hindi ko nga alam! Pucha paulit-ulit naman!"

"Leche. Aalis na nga lang ako. May date pa kami ni Jake mamaya. Baboosh Eklabush. Wait nga lang, bakit ka umalis kanina?!"

"Ah... Eh... Ano kasi.... may cramps ako."

"Ahh okay! Sige! Bye."

Naguguluhan talaga ang heart at brain ko. As in, puro chaos! Sana ma-solve na 'to! Please Lord!

#HelpIsabelle

8:00 na, matutulog na ako. Sana mapanaginipan ko na ang the one.

Bago ako matulog, biglang may nag text sa akin.

From: Trench +639**********
Good Night! Sana mapanaginipan mo ako. <3
Joke lang! Sweet dreams!

Hala. Mind reader ata tong lalaking ito? :/

5 Days After

Punyeta wala akong napanaginipan. Tss, ano ba naman kasi eh.

But I think, hindi ko na dapat mapanaginipan.

Dahil ang totoo ko lang namang mahal ay si Mr. Bartolome.

Tumingin ako sa orasan.

What the f?

9:30 na! Bumaba agad ako para tignan kung nandyan si Trench para sunduin ako. Hindi ko siya nakita. Siguro ay umalis na siya kasi sobrang late ko na! Punyeta.

"Mam? Bakit po kayo natataranta?"

Ay grabi Butler, ha! Parang hindi mo alam ang daily routine ko

"Eh kasi naman po, late na ako sa klase ko today!"

"Mam, kalma lang po. Today is Sunday, po."

Pahiya ako dun ah. Napanganga lang ako dahil sa sobrang kahihiyan.

"Ah osige ganun ba? Balik na ako sa kwarto butler. Salamat sa pag inform!"

Pagkabalik ko ng kwarto, tutal wala namang pasok, nag log-in ako sa facebook.

"Anak?"

"Ma? Gosh miss na miss na kita. San ka ba galing at ang tagal niyong wala dito?"

"Workshop. You want to have a mom and daughter bonding?"

"Yes ma! I love you ma."

"I love you too, baby girl. Mamayang 5:30 p.m. Sharp, okay?"

I miss my mom! Sa wakas makaka-bonding ko na uli si mommy! Yiheee.

Destiny's MistakeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon