Prologue

417 160 289
                                    

Highschool Series #1: Rewriting The Memories (completed)

Highschool Series #2: You Rock My World (completed)

Highschool Series #3: Catch me under the stars (ongoing)

Highschool Series #4: After All (coming soon)

This story contains spoilers for Highschool Series #2, #3 and #4

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

This story contains spoilers for Highschool Series #2, #3 and #4.

Please note that it is told mainly through flashbacks-to-the-present; a symbol of Te tilde ( ~ ) signify a change of time─ specifically, back to the present.

DISCLAIMER: This is a work of fiction. Unless otherwise indicated, all the names, characters, businesses, places, events and incidents in this story are either the product of the author's imagination or used in fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental.

~~~

"How would you describe love?"

Natigilan ako sa pagtitipa sa laptop ko at saglit na bumuntong hininga para humugot ng pasensiya dahil sa nakakalokang tanong na 'yun.

"Love is bullshit," walang ganang sagot ko atsaka muling nagpatuloy sa pagtitipa hanggang matapos ko ang isinusulat kong bagong nobela.

Pipindutin ko na lamang ang save button nang biglang may kamay na humawak sa bandang ulo ng screen nang laptop ko at isinara ito.

Bumungad sakin ang nakakalokong ngiti ng kaibigan kong si Faith.

"Hindi nga?"

At talagang ipipilit niya pa ang description ng lintik na pag-ibig na 'yan! Umikot pataas ang mata ko atsaka hinawi ang kamay niya.

"Faith! Pwede ba ha?! Tigilan mo muna ako! Dun ka sa malayo!" Naiiritang sabi ko dito na ikinatawa niya.

"Oh, come on! May iba kang description sa love nung highschool tayo!"

At ayan na nga po tayo, ungkatan ng mga nakaraan!

"Ni highschool, college, at kahit na ngayong working na tayo ay hindi nagbago ang description ko sa love!"

Napatakip siya sa bibig niya atsaka siya humagalpak nang tawa. Doon ko lamang napansin na nakatayo ako at medyo tumaas ang boses ko.

Napatingin ako sa paligid ko.

We were at Starbucks, Tagaytay, because we wanted to get some fresh air at syempre gusto ko na din tumakas sa ingay ng Manila. At imbes na peace of mind ay parang stress at kahihiyan pa nga ata ang makukuha ko dito. Pinagtitinginan kasi kami... or ako lang ata. Baka dahil 'yun sa napatayo ako kanina.

Ito kasing bestfriend ko eh, alam na alam kung paano kunin ang inis ko!

Mabuti at nakalugay ang mahaba kong buhok kung kaya't inipon ko lahat ng hibla nito upang ipangtakip sa mukha ko. Dahan-dahan akong naupo na mas lalong ikinabungisngis ni Faith.

Rewriting the memories (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon