03

220 155 99
                                    

"Aray!"

Napabitaw ako kay Clarence nung natapakan ko nanaman yung paa niya.

"I'm sorry!" Nagpa-panic na sabi ko. Lumuhod pa ko para tingnan yung paa nito na naapakan ko. "Patingin, namamaga na ba?" Nag aalalang tanong ko.

Hindi kasi yun 'yung unang beses na naapakan ko siya. Not to mention na today's our 3rd day ng practice for our performance task at sa loob ng tatlong araw na yun ay hindi na mabilang kung ilang beses ko na siyang naapakan. Tumigil nga din pala ang iba pa sa mga kasama namin sa pag pa-practice para tingnan kami. Ang pairing nga pala ay ako at si Clarence, Shan at Laurence, Terrence at Faith atsaka Sachi at Warren.

Oo at kasama namin sa group yung mayabang na si Warren.

"Ano ba yan, Jessi? Hindi tayo matatapos dito!" Medyo strikto talaga si Terrence kapag sineseryoso niya yung choreography or task. May pagka grade conscious din kasi ito kahit hindi halata.

"I'm sorry..." Napayuko ako. Pakiramdam ko talaga nagiging pabigat na ako sa grupo. He sighed.

"Water break na nga muna!" Iritableng sabi niya atsaka niya pinatay yung tugtog sa speaker niya.

Kanya kanya namang bitaw sa mga ka-pair nila 'yung mga ka grupo ko. Ako naman, naupo at nangalumbaba sa isang tabi.

Pinanuod ko silang lahat sa kanya kanyang ginagawa nila. Sila Shan at Laurence, nanatili sa pagpa-practice ng steps, si Faith at Terrence parang may pinag tatalunan na di ko alam kung ano pero nakaturo ito sa mineral water na hawak ni Faith na wala pang bawas at sa hawak niyang may bawas na.

"Akin nga 'yan, bakit kaba nangunguha ng hindi iyo? Ito yung sayo oh!" Iyon lang ang narinig ko sa pinagtatalunan nila. Si Sachi at Warren naman, wala, hindi naman sila close eh.

Nakita ko lang si Sachi na hawak 'yung cellphone niya tapos nakangiti siya sa screen nito. May kausap siguro siya.

"Wala akong barya diyan," natatawang sabi ni Clarence na nakatayo na pala sa harap ko kaya nabaling sa kanya 'yung atensiyon ko.

I pout. "Pasensya na, nakakarami na ko ng apak sa paa mo," sabi ko dito. He chuckled.

"Tapakan mo lang nang tapakan, wala namang kaso sakin 'yun," biro pa niya. Inabot naman niya sakin 'yung isa sa dalawang mineral water na bitbit niya.

"Thank you," sabi ko. Naupo ito sa tabi ko. "Parehong kaliwa kasi 'yung paa ko eh," dagdag ko pa.

"Hmm," tumingin 'to sa paa ko na parang sinusuri 'to. At pagkatapos tumingin siya sakin ng nakangiti.

"Alam mo kung anong magandang gawin?"

Kumunot naman noo ko sa tanong niya. "Ano?" Nagtatakang tanong ko.

Pero imbes na sagutin ako, tumayo ito sa pagkakaupo atsaka inilahad 'yung kamay niya sakin.

"You know what they say, practice makes it perfect. Kaya ano tara? Practice tayo!" At first hesitant ako, baka mas lalong mamaga yung paa niya kakatapak ko sa kanya.

Pero ayokong maging pabigat sa grupo. Kaya naman inabot ko sa kanya 'yung kamay ko. Marahan niya akong hinila in a way na may alalay pa din patayo. Nakatingin lang ako sa kanya habang nag-iinstruct siya, hanggang sa parang naging slowmotion yung bawat bigkas at turo niya sakin sa steps nang sasayawin namin.

Ngayon ko lang napansin na mahaba yung pilik mata niya, matangos ang ilong at hugis puso ang labi niya. Sa sobrang kinis ng mukha niya, masyado ng nakakasilaw. In other words.. ang gwapo niya!

Naramdaman ko ang pagpulupot ng kamay niya sa bewang ko at ang paglagay niya ng isang kamay ko sa leeg niya. Pinanuod ko ang movement ng kamay nito. Parang milyon-milyong boltahe ng kuryente ang dumadaloy sa buong pagkatao ko sa tuwing naglalapat ang balat namin.

Rewriting the memories (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon