29

66 18 48
                                    

"Jessi, nakikiramay kami."

Yakap ang naging bungad sakin ng mga kaibigan ko nang makarating silang lahat sa burol ni Mama.

Masakit para sakin na isuko siya, pero kung yun ang paraan para makapag pahinga na siya, wala na akong magagawa pa.

Nung araw na nangyari yun, nagmadali ako agad na makarating sa hospital at nang makarating ako sa kwarto niya, dun siya nagising saglit para lang magpaalam.

"Mahal kita, anak..."

Iyun ang huling salitang sinambit niya bago niya kami iwan. Naramdaman ko na mas humigpit sakin yung yakap nila Shan, Faith, at Sachi kaya nagsimula akong humagulgol.

"Jessi, andito lang kami," narinig ko pang sabi ni Laurence.

Nung kumalma na ako, kinulong ko sa dalawang kamay ko yung maliit na bote ng mineral water na inabot sakin ni Sachi. Sabi niya inumin ko daw yun dahil baka maubusan ako ng tubig sa katawan dahil sa mga iniyak ko. Nung una, sinusubukan kong buksan yun pero dahil nanginginig at madulas ang kamay ko, ni hindi ko mabuksan yung mineral water.

"Akin na," kinuha ni Laurence sa kamay ko yun para buksan atsaka niya ibinalik sakin ulit.

Kinalahati ko yung tubig tapos inabot ko kay Sachi atsaka ko sila sinamahan na sumilip kay Mama.

Napapagitnaan ako ni Faith at Shan, parehas silang nakahawak sa bewang ko para suportahan ako.

"She's at peace now," Faith stated.

Tumango ako.

"She'll be fine, I'm pretty sure, she'll be watching over both of you," si Shan naman.

"Mamimiss ka namin, Tita," sabi naman ni Sachi.

Hinawakan ko yung salamin ng kabaong at trinace mula dun ang mukha ni Mama.

"Mamimiss ka namin ng s-sobra.."

This time, naging emotional ako ulit.

After a week, ihahatid na din namin si Mama sa huling hantungan nito sa heritage park sa C5, Taguig. At habang nasa passenger's seat ako ng sasakyang maghahatid kay Mama, sinusubukan ko pa ding ipa-ring yung number ni Clarence.

"Please... please, answer the phone. I-I need you," bulong ko.

"The subscriber cannot be reach. Please try to call again lat─"

Bago pa matapos ng automated system yung sasabihin nito, pinatay ko na yung call. Ipinatong ko sa mga hita ko ang dalawang kamay ko habang pahigpit ng pahigpit ang pagkakahawak ko sa cellphone ko.

Iniisip ko kung bakit ngayon pa kami nagka ganto ni Clarence.

Kung kailan kailangan ko siya sa tabi ko.

Hindi din nagtagal, naihatid na namin si Mama sa hantungan niya, nakaakbay sakin si Papa habang pinapanuod namin siyang ibinababa.

Parehas kaming tahimik na umiiyak.

Nang maibaba na si Mama at nang matabunan na siya ng lupa at lapida, nagsimula na ding magsi-alisan lahat ng mga taong nakiramay.

Except sakin.

Papa already went home dahil nasasaktan daw siya and he needs some time alone.

Nakaupo ako sa lupa sa tapat ng lapida ni Mama atsaka tina-trace ko yung pangalan niya gamit ang daliri ko. Pero kinuha ko ulit yung cellphone ko ng may maalala.

I looked at Clarence's name and phone number before I hit the call button.

Hindi ko na masyadong itinataas yung expectations ko na sasagot siya. Pero for the last time...

Rewriting the memories (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon