09

182 141 101
                                    

"Jessi! Wait!"

Napatigil ako sa paglalakad palabas nang marinig ko ang mga pahabol na tawag sakin ni Terrence. Nang tingnan ko siya, bakas sa mga mata nito ang pag-aalala sakin.

Matapos kasi ang confrontation sa dance floor with my cheater ex-boyfriend, I decided na umuwi ng maaga. Kinuha ko sa upuan ko nun yung bag ko at walang paalam na naglakad ako palabas ng auditorium. Pero eto nga at nahabol ako ni Terrence bago pa man ako tuluyang lumabas.

"Okay ka lang ba?"

"Kapag ba sinaksak kita sa dibdib at tinanong kita kung okay ka lang, sasabihin mo ba saking okay lang?" Sarcastic na tanong ko. "Of course not, Terrence! I'm not okay! Clarence cheated on me with someone he told me not to worry about! Ironic, isn't it?" Dagdag ko pa.

He sighed.

"I told him not to pursue Julia because he already hav─"

"Wait! What?" Pinutol ko yung sasabihin ni Terrence nang may mapagtanto ako dito. "Edi alam mo? All this time, alam mo na niloloko niya ako?" Dagdag ko pa.

Napatawa ako ng sarcastic. Pakiramdam ko, iginisa ako sa sarili kong mantika.

"I'm sorry Jessi, gusto ko naman sanang ipaalam sayo, ang kaso ayaw namin mapasama kaya pinili naming manahimik," paliwanag niya.

"Gusto mong ipaalam pero hindi mo ginawa? Atsaka anong sabi mo? Pinili niyong manahimik? So, madami kayong nakakaalam?"

"Halos lahat kami sa room maliban sa mga kaibigan mo."

Dun na ko tuluyang humagalpak ng tawa in a sarcastic way kasi mas lalo kong napatunayan na iniputan nga ako sa ulo. Tuloy tuloy din yung luha ko sa pagbagsak.

"Jessi, I'm sorry─" itinaas ko yung kamay ko para pigilan siya sa mga sasabihin niya. I don't wanna hear it anymore. I feel so betrayed.

"You know what, it's okay.. I'm o-ka-y." I even emphasized the word OKAY. Alam kong nagtunog sarkastiko yung respond ko na yun pero masisisi niyo ba ako?

Tumalikod na ako ng tuluyan atsaka umalis sa auditorium.

Later that night, naka receive ako ng text messages and chats from my friends and classmates. They're all asking kung kamusta ako, some are actually spilling teas pa but most of them ay gusto lang maki chika. Pero wala akong ni-isang pinansin sa messages nila.

Hindi ko din akalain na kakalat ng ganun kabilis sa lahat ng kaklase ko yung nangyari. Napabuntong hininga ako atsaka ako nag scroll sa gallery ko.

I found our pictures together. Pinagmasdan ko yun at wala akong ibang naramdaman kundi kirot sa dibdib at galit sa puso ko dahil sa panloloko nito sakin.

Naramdaman ko pa ang pagtulo ng luha sa gilid ng mata ko pero agad din akong napapunas bigla ng luha ko at napabalikwas ng bangon nang mag bukas ang pinto at ilaw ng kwarto ko.

Iniluwa nun si Mama na may dalang snacks para sakin. Ayokong maging burden or makadagdag pa sa isipin ni mama kaya I tried so hard to smile.

"Good evening, nak." Bati niya sakin atsaka siya naglakad palapit sakin at inilapag ang snacks na dala niya sa side table ko. Naupo din siya sa paanan ko at pinagmasdan ang mukha ko.

"Bakit gising kapa? Diba may pasok ka bukas?" Malambing na tanong niya sakin.

"Hindi po ako makatulog eh." I tried so hard to sound cheerful dahil dun niya ako kilala.

But the way she looks at me felt like she knew that there is something wrong with me today. Parang sinasabi ng mga tingin niya sakin na "anak niya ko kaya kilala niya ko."

Rewriting the memories (Highschool Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon