"Ang boring!"
Napalingon ako kay Laurence nang mag salita ito habang nag-uunat sa kinauupuan niya. Halos mag iisang oras na din kasing hindi pumapasok 'yung Math teacher namin at wala din itong ipinasuyo na kahit na anong gawain kaya literal na tambay lang kami sa classroom.
After pa nito, diresto lunch break na din kaya bagot na bagot 'yung iba samin.
"Hey." Napatingin ako ng lumapit sakin si Clarence na may bitbit na monoblock chair atsaka ipinuwesto ito paharap sakin tapos saka na upo.
Itinigil ko naman yung pagsusulat sa likod ng notebook ko.
"Anong ginagawa mo?" Tanong niya.
"Ah, wala, I'm just writing some short stories kasi nabo-bored na din ako," sagot ko.
"Nag susulat ka?"
"Oo, kapag may spare time."
"Wow, pwede bang basahin?" Tanong niya. Agad namang tumango ako atsaka ko ipinaharap sa kanya 'yung draft ko sa likod ng notebook.
Pero hindi pa man niya nasisimulang basahin 'yun, may umagaw na agad ng atensiyon niya.
Dumaan si Julia at binati siya.
Napansin ko kung paano nito sundan ng tingin ang papalabas na babae.
"Clarence?" Saka lang nito ibinalik ang tingin sakin ng tawagin ko siya sa pangalan niya. "Mukhang mas napapalapit kayo ngayon ah," pabulong na sabi ko.
"Ano, love?"
Nginitian ko na lamang siya kesa ulitin yung sinabi ko. "Wala, sabi ko hindi ko pa tapos 'yan. Saka mo na lang basahin." Kinuha ko yung notebook ko atsaka ko ipinasok sa loob ng bag.
"Pero hindi ko pa nababasa─"
"Clarence, saka na lang." Putol ko sa sasabihin niya. Hindi ko alam pero nakakaramdam ako ng iba bukod sa iritasyon. Sana nga lang mali ako ng pakiramdam.
May sasabihin pa sana siya sakin pero agad na naputol ng marinig namin na magsalita ulit si Laurence.
"Guys, laro tayo, ang boring eh!"
"Sige sige!"
"Anong laro ba?"
Pag sang-ayon at tanong ng ibang mga kaklase ko, habang 'yung iba naman wala lang talagang paki at ine-enjoy yung vacant time sa pamamagitan ng pagtulog sa kani-kanilang pwesto.
Napahawak naman sa chin niya si Laurence habang nag iisip ng kung anong lalaruin para lang hindi sila tuluyang kainin ng boredom.
"Kunwari na lang nasa bahay tayo ni Kuya. Tapos kunwari magbibigay tayo points dun sa taong gusto nating ma evict pero syempre, kailangan may rason kung bakit," si Terrence na nagbigay ng suhestiyon niya.
"Talino mo dun, pre ah!" Puri naman ni Laurence atsaka itinaas yung kamay niya para makipag apir sa kaibigan.
"Syempre!" Inabot naman nito ang kamay ni Laurence.
"Matalino talaga ang mga unggoy!"
"Ulol."
Napuno ng tawanan ang classroom dahil sa naging sagutan ng dalawa. Pero kalaunan, sinimulan din nila 'yung sinasabing laro. Habang ako, tahimik lang na nanunuod sa kanila. Si Clarence naman, nakikipag tawanan sa kanila pero nanatili itong nakaupo paharap sakin.
"10 points para kay Laurence kasi mukha siyang gago," si Shan. Wala namang naging rebutt si Laurence dahil sa takot niya sa kaibigan ko.
Punong puno ng asaran yung buong classroom. Pero natigilan sila ng pumasok ulit si Julia kasama yung mga kaibigan nito.
![](https://img.wattpad.com/cover/347511265-288-k697473.jpg)
BINABASA MO ANG
Rewriting the memories (Highschool Series #1)
Storie d'amoreJessi, a romance novelist, reluctantly attends her high school reunion at the urging of her best friend. With her heart still mending from a past relationship, Jessi fears encountering her former flame. Caught between the possibility of reigniting...