"So.. pinatawad mo?"
Hindi ako makatingin nang diretso kay Faith nang itanong niya sakin yan. Nasa canteen kami ngayon, nakaupo kami sa 6 seater table at magkakatabi sina Faith, Shan at Sachi. Habang ako naman katabi ko sina Clarence at Laurence.
Napapagitnaan ako nilang dalawa tapos katapatan ko si Faith na nakataas yung kilay. Medyo nag-aalangan akong tumango.
"Pangako, hindi na mauulit─"
"Hindi ikaw yung kausap ko. Manahimik ka," mataray na putol ni Faith sa sasabihin ni Clarence.
Natahimik ito sa pambabara ng kaibigan ko. Humugot ako ng malalim na hininga.
"Everyone deserves a second chance naman, diba?"
"Sus! Once a cheater always a cheater," komento ni Sachi bago isinubo yung kinakain niyang burger.
"Sure kana ba diyan?" Napatingin ako kay Shan ng magsalita ito. Tumango ako.
"Kung mauulit, hindi na ako ulit babalik," sagot ko. Tsaka ko sinipat ng tingin si Clarence bago ko ibinalik ulit yung tingin ko sa mga kaibigan ko.
"Pag-ibig nga naman.." komento ni Laurence kaya napatingin ako sa kanya. Nakita ko pa siyang nag stretch ng mga braso niya. "Andiyan na eh, bumalik na. Hayaan na muna natin yan, malaki naman na si Jessi," dagdag pa nito kaya napangiti ako sa sinabi niya.
Tiningnan ko ulit yung reaksiyon ng tatlo. Sabay sabay silang bumuntong hininga.
"Ano pa nga bang magagawa namin? Alangan namang kami pa maging hadlang sa kaligayahan mo!" May kasamang irap na sabi ni Faith. I giggled.
"Salamat!"
Tumango lang 'to bago inilipat ang tingin niya kay Clarence.
"Last chance, kapag inulit mo.. hindi ka na namin mapapatawad," pagbabanta niya dito. Masaya namang tumango si Clarence at nagpasalamat sa mga kaibigan ko.
Habang pinapanuod ko ang eksenang 'yun, naalala ko yung naging pag-uusap namin nung babae sa CR. Yung bumalik sa boyfriend niya matapos siyang lokohin nito. I guess, tama siya.. Hindi ko siya maiintindihan unless ako yung malagay sa parehong sitwasyon niya.
Nag decide akong patawarin si Clarence, alam kong iisipin ng iba sa mga kaklase namin na tanga ako at hindi ko na dapat pa pinatawad pero ayoko ring ipagkait yung pangalawang pagkakataon sa kanya. Kung mauulit, hinding hindi na ko babalik talaga.
Pagkatapos naming kumain, bumalik na din kami sa room dahil tapos na din 'yung breaktime. Magkakasama kaming pumasok at medyo nahuli kami ni Clarence.
Biglang natahimik 'yung buong classroom nang makita nila kaming sabay na pumasok. Napansin ko din yung bulungan ng iba at hindi din sinasadyang mapatingin ako sa direksyon ni Julia.
Nahuli kong nakatingin ito samin pero agad na nag iwas ng tingin. Tiningnan ko sa gilid ng mata ko kung napansin din ba ni Clarence yun pero wala akong mabasang ekspresyon mula sa mukha niya.
Bumalik na lang kami pareho sa upuan namin. Nung uwian naman, lumapit sakin si Clarence habang nagliligpit ako ng gamit.
"Hatid na kita sa inyo?"
"Huh?"
Nagtatakhang tanong ko. Medyo nanibago lang ako kasi hindi naman niya ako hinahatid sa bahay.
"Sabi ko hatid na kita."
"Sige, ikaw bahala." Sagot ko.
Nagpaalam na ko kela Faith na mauuna na ko sa kanila tapos pagdating namin sa may hagdan pababa, nakikipag agawan pa sakin si Clarence sa pagbitbit ng bag ko. Noong una, tumanggi ako pero hindi din ako nanalo sa kanya.
![](https://img.wattpad.com/cover/347511265-288-k697473.jpg)
BINABASA MO ANG
Rewriting the memories (Highschool Series #1)
RomanceJessi, a romance novelist, reluctantly attends her high school reunion at the urging of her best friend. With her heart still mending from a past relationship, Jessi fears encountering her former flame. Caught between the possibility of reigniting...