"Are you sure na ayaw mo sumama?"
Tanong ko kay Clarence habang kausap ko siya sa video call. Paalis kasi kami ngayon ng family ko dahil pupunta kami sa wedding ng Kuya ni Sachi─si Kuya Taneki. Gaganapin daw yun sa Rosario, Batangas. Tapos yung reception is sa Balai Ising Garden Resort.
Nakapag paalam naman na kami sa teachers namin and pumayag naman sila. Kasama ko ding pupunta sina Faith, Shan, at Laurence.
Si Sachi naman, nauna na kasi mas kailangan siya dun dahil Kuya niya yung ikakasal. Hindi ko nga pala nabanggit na half japanese si Sachi tapos tatlo silang magkakapatid at nag-iisa siyang babae. Yung isang kapatid niya na si Kuya Koutaro, sa MAPUA na din nag-aaral, ahead lang samin ng 2 years so bale 2nd year college na siya. Tapos si Kuya Taneki naman nakapag asawa ng Filipina na nakilala niya sa Japan and then he decided to settle down here sa Philippines.
"Yes," maiksing sagot niya sakin habang busy na naglalaro ng dota.
"Pero alam mo, kaya ka naman naming hintayin, wala pa naman sina Faith kaya pwede ko namang sabihin kela mama na─"
"It's fine, okay lang ako. Mag enjoy kayo dun," putol niya sa sasabihin ko. Nakanguso naman akong tumango.
Nagpaalam na din siya sakin na ibababa na daw niya yung video call na sumakto naman sa pagdating nila Shan, Faith at Laurence kaya tinawag na din ako nila Mama.
Ibinaba ko na yung video call atsaka ako sumakay ng travel van namin. Si Papa ang nagmamaneho, habang nasa passenger seat naman si Mama tapos kaming lahat nasa likod ng van.
Habang nasa biyahe, wala ding katapusan yung kulitan naming apat. Namimiss na din namin si Sachi kaya kinukulit namin siya sa video call.
Nung sinagot ni Sachi yung tawag, sumakto na nakasimangot ito sa screen pero hindi samin nakatingin. Naririnig namin yung tawa ng Kuya niya.
"Baka!"
Sabi pa nito na ang ibig sabihin ay "stupid." Tapos sumunod na narinig namin yung boses ng mapapangasawa ng kuya niya.
"Taneki, stop! Kita mo naman na naaasar na yung kapatid mo!" Pagtatanggol nito kay Sachi.
Nanunuod lang kami sa palitan nila ng mga salita na hindi na namin maintindihan. Mayamaya, nakita namin na pumasok ito sa kwarto at padabog na sinara yung pinto.
Tiningnan niya kami sa screen.
"Nakakaasar si Kuya!" Rant niya. Pero napalitan din yung mood niya ng makita niya kaming nasa loob na ng van.
"Nasaan na kayo? On the way na kayo?" Excited na tanong niya.
"Oo," sagot naman ni Faith. Gamit namin yung cellphone ko na pantawag kay Sachi kaya agaw agawan sila para kamustahin ito.
Ilang buwan na ba naming hindi nakikita 'to? 5 months? 6 months? Hindi ko na maalala.
Basta ang natatandaan ko lang, nasa 3rd quarter na kami ng Grade 12 namin. Malapit lapit na din pala kaming mag college. Hayys. Ang bilis talaga ng panahon!
Pinagmasdan ko yung mga kaibigan ko na masayang nakikipag usap kay Sachi.
Magkakaibigan pa rin kaya kami kapag nasa college na kami? Eh, kapag working na kaya kami? Who knows..
Nung napagod sila na makipag-usap sa kaibigan namin, ibinalik na din nila yung cellphone ko. Bukas pa naman ang kasal, bale ang mangyayari lang ngayong gabi ay mga pasabit sa resort.
Batangueña kasi ang mapapangasawa ni Kuya Taneki, kaya medyo traditional sila the night before the wedding. Magkakaroon daw ng sayawan sa resort tsaka pasabit ng mga pera sa mga ikakasal.
![](https://img.wattpad.com/cover/347511265-288-k697473.jpg)
BINABASA MO ANG
Rewriting the memories (Highschool Series #1)
RomanceJessi, a romance novelist, reluctantly attends her high school reunion at the urging of her best friend. With her heart still mending from a past relationship, Jessi fears encountering her former flame. Caught between the possibility of reigniting...