Simula🌸

634 21 2
                                    

Upang maalis ang sumpang ipinataw sa bayan ng Terrania ay isang dalaga ang pipiliin upang maging mahalagang alay sa angkang pilit winawala sa kasyasayan ngunit nag-iwan ng sakuna, ang Azalea.

Ang dalagang mapipili ay tatawaging Azalea Princess.

*****

Ang Terrania ay isang bayang nakapaloob sa kontinente ng Elementia. Ang kontinente ng Elementia ay nahahati sa apat na bayan; ang Fiore, Wisteria, Terrania, at ang Aerra.

Ang bayan ng Terrania ay tirahan ng mga taong may kapangyarihang kontrolin ang bulaklak, halaman, puno, bato, at lupa. Ang bawat mamamayan dito ay nahahati sa bawat angkang kinabibilangan ayon sa uri ng bulaklak na kanilang marka sa kanilang katawan mula nang isinilang.

Sa lahat ng angkan, ang Rhoswen ang pamilyang makapangyarihan at may-ari ng trono sa buong bayan. Magkakapantay naman ang katayuan ng Mirasol, Lilium, Nucifera, at Orhideja. Sa mga angkan na ito ay may iba't ibang antas ng buhay na nagdidikta ng kanilang katayuan sa lipunan. Kabaligtaran ng Rhoswen na angkan ay ang Azalea. Hindi na itinuturing na bahagi ng bayan ang angkan ngunit nabubuhay pa rin ito at walang nakakaalam kung saan ito matatagpuan sa bayan.

Ang paniniwala ay isinumpa ng Hemera o ang makapangyarihang pamilya ng Azalea ang bayan ng Terrania dahil sa sinapit nito sa natitirang angkan. Itinuturing silang lason at malas sa bayan kung kaya't pilit silang winala. Naglaho ang angkan na ito ngunit nag-iwan ng sumpa, tutubuan ng malalaking tinik sa hita at binti ang lahat ng ina sa bayan at hindi makakalakad sa tuwing ika-unang araw at huli ng buwan, at ang lahat ng unang anak, babae man o lalaki sa bawat pamilya na marunong gumamit ng kapangyarihan ay magiging itim at walang buhay ang kalahating katawan sa tuwing sasapit ang ika-walo ng gabi sa parehong araw. Sampung taon na ang sumpa ngunit hindi pa rin ito nalulunasan.

Buhay na buhay ang kulay ng bayan. Sa gitnang bahagi ay ang palasyo na napapalibutan ng hardin ng pulang rosas na sumisimbolo sa bulaklak ng pamilyang Rhoswen at mataas na pader. Napakalawak ng espasyo ang nasa pagitan ng palasyo at sa mga tahanan na nakapalibot rito.

Sa hilagang bahagi ay kinaroroonan ng Mirasol, sa kanan ay Lilium, sa kaliwa ay Nucifera, at sa timog ang Orhideja. Ang dating kinaroronan ng Azalea ay sa pagitan ng Mirasol at Lilium na ngayon ay isang malawak na kagubatan at kinaroroonan ng pinakamalaking lawa sa bayan.

Nasa sentro rin ang buhay na buhay na parte ng bayan, ang pamilihan at pasyalan.

Madaling malaman kung saang angkan kabilang ang mga tao base sa kanilang kasuotan dahil ang bawat angkan ay may sariling bulaklak at kulay na pinipresenta. Ang Mirasol ay kulay dilaw at kahel, sa Lilium ay puti at kalimbahin (pink), sa Nucifera ay lila at asul, at sa Orhideja ay luntian at kayumanggi. Nag-iisa lang ang kulay sa Rhoswen at iyon ay pula.

Suot ang kalimbahin na kasuotang bestida ay mag-isang naglalakad sa malawak na pamilihan ang dalagang si Viana. Ito ang hiniling niya sa kanyang ama, ang makapag-aliw sa bayan nang mag-isa. Hindi man pumayag ang kanyang ina at nakakatandang kapatid ay wala na itong nagawa dahil sa ika-labing siyam na kaarawan niya ngayon at kinumbinse ito ng kanyang ama. Siya lang ang nag-ayos sa sarili dahil hindi naman maganda ang pakikitungo sa kanya ng sariling ina at ate. Sinuot niya naman ang kanyang nag-iisang may kamahalan at magandang bestida na iniregalo ng kanyang mapagmahal na ama.

Ang pamilya niya o ang Amerson ay nabibilang sa mababang antas sa angkan ng Lilium. Ang kanyang ina at ama ay tagapagbantay lamang ng tindahan ng isang maharlikang pamilya sa kaparehong angkan. Ang kanyang ate ay nasa kanilang tahanan lamang dahil sa hindi ito pwedi magtrabaho sapagkat ay sakitin.

Azalea PrincessTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon