[ VIANA ]
"Tapos na ang ating pilian at binabati ko ang lahat ng nakapasa. Patunay lamang ito na kayo ay may potensyal upang makapag-aral sa palasyo. Simula bukas kayong dalawang po't limang nakapasa ay mamamalagi na sa palasyo. Maari na kayong umuwi sa inyong tahanan upang makapaghanda."
Matapos ang anunsyong ito ng tagapamahala ay ang natira na lamang dito ay mga kasama kong nakapasa, ang kanilang pamilya, at ang ibang manonood.
Sa lahat ng nakapasa ay ako lamang ang walang pamilyang yumakap at pumuri. Dahil ang pamilyang meron ako ay galit sa akin.
"Walang hiya kang bata ka. Mas gugustuhin ko pang magpakahirap kumita ng salapi upang ipambayad sa dobleng buwis kaysa ikaw ang makapasok sa papasyo at hindi ang ate mo!"
Ang mga salitang ito ang salubong sa akin ni ina habang kasama si ate na umiiyak at galit na nakatingin sa akin. Si ama naman ay nakaalalay kay ina at sinasabihan ito na tumigil ngunit hindi nito ginagawa at tuloy pa rin sa pambabato sa akin ng masasakit na salita hanggang sa makauwi kami sa aming bahay.
"Huwag kang lalabas sa silid mo. Hindi ka pupunta sa palasyo bukas. Kapag hindi mo sinunod ako ay itatakwil kita sa pamilyang ito!" Napaiyak ako nang hawakan niya ako sa braso ng mahigpit at hinila papasok sa silid ko.
Lumabas siya at isinara ng malakas ang pinto saka ikinandado mula sa labas.
Nanghihinang napaupo ako sa sahig. Sa pagod ay nakatulog ako sa aking pwesto at nakagising ako nang may makitang tao sa harap ko.
Si ate...umiiyak na nakatingin sa akin habang may hawak na kutsilyo.
"A-ate?"
"Hindi mo naisip ang naidulot mong kahihiyan sa akin. Ganyan ba ang igaganti mo kina ina sa ginawang pagpapalaki sa iyo! Wala kang utang na loob!"
"Amelia! Bitawan mo iyang kutsilyo!"
Napalingon kami kay ama na agad nilapitan si ate at inagaw ang kutsilyo mula rito. Pumasok si ina at mabilis na niyakap si ate.
"Hindi ba sabi kong huwag kang pupunta rito." Pangaral ni ina rito at masama akong tiningnan.
Hindi niya ba gagalitan ito na tinangka ako nitong saktan?
"Ayaw ko siyang makita rito ina. Hangga't narito siya sa pamamahay na ito ay hindi ako makakahinga ng maayos. Malas siya! Lahat nang malapit sa kanya ay may hindi magandang nangyayari."
Nanigas ako sa sinabi nito.
"Mahal, dalhin mo si Amelia sa kanyang silid. Kailangan na niyang magpahinga."
Umalis sila ina at ate at naiwan si ama. Lumuhod ito sa harap ko at hindi ko maiwasang hindi umiyak.
"Pasensya ka na, anak. Nadala si ate mo ng kanyang emosyon kaya nagawa niya iyon. Sana ay mapatawad mo siya hindi man ngayon dahil sa alam kong napakabigat na ginawa niya ngunit pagdating ng oras na maluwag na sa dibdib mong patawarin siya."
Niyakap niya ako. Mas lalo akong naiyak.
"Napakagaling mo kanina. Ipinagmamalaki kita. Pasensya na kung hindi ko ito kayang ipakita sa harap ng iyong ina at ate dahil sa taliwas sila sa ginawa mo. Nauunawaan ko kung bakit mo iyon ginawa. Maraming salamat sa iyo, anak. Hayaan mo kapag nakaipon ako ng sapat, ibibili kita ng mas magagandang kasuotan."
"Gusto mo bang tulungan kita mag-ayos ng gamit mo na dadalhin sa palasyo?"
Kumalas ako sa yakap at tiningnan siya.
BINABASA MO ANG
Azalea Princess
FantasyUpang maalis ang sumpang ipinataw sa bayan ng Terrania ay isang dalaga ang pipiliin upang maging mahalagang alay sa angkang pilit winawala sa kasyasayan ngunit nag-iwan ng sakuna, ang Azalea. Ang dalagang mapipili ay tatawaging Azalea Princess. ...