[ VIANA ]
"Ang layunin ng unang pagsubok ay malaman kung magdadala ba kayo ng banta sa Palasyo. Sa likod ng pader na iyan ay hardin ng mga rosas, kung ang prisensya o kapangyarihan na ginamit mo ay hindi maganda para rito, hindika hahayaang makapasok ng ganun kadali."
Napatingin ako sa hawak na rosas. Maswerte lang siguro ako na nalampasan ko ang unang pagsubok.
"Para sa ikalawang pagsubok, ang lahat ng natira ay gumawa ng isang pantay na linya. Magiging basehan ng pagpili rin ang inyong itsura, kaayusan sa katawan, kalinisan, at kaaya-aya sa paningin dahil hindi mga ordinaryong tao ang makakasalamuha nyo sa loob ng palasyo."
Nanlamig ako. Nasuot ko na nung kaarawan ko ang pinakamaganda kong kasuotan. Presentable ang suot ko na kulay mapusyaw na kalimbahin pero mas ordinaryo ang disenyo.
Kung ikukumpara ay halos sa natira na mga kasama ko ay mas maayos ang kasuotan nila kahit na halo ang anak ng ilang maharlika at nasa mababang antas ng pamumuhay.
Napunta ako sa pinakadulong linya dahil sa natutulak ako pagillid ng mga sumiksik. Napabuntong-hininga na lamang ako at dinagdagan ko ang espasyo sa pagitan namin ng katabi ko.
Pinaglaruan ko sa kamay ang rosas habang sinusundan ng tingin ang namamahala sa pilian na pumunta sa harap ng nasa pinakaunahan sa kabilang dulo. Seryoso ang mukha nito at mababakasan ng mapanuring tingin sa madapuan ng mga mata nito.
Tumuwid ako ng tayo at hindi na tiningnan ang ginagawa ng tagapamahala.
Kung mapili ako rito sa ikalawang pagsubok, maniniwala akong nadala lang iyon ng itsura ko dahil bagsak ako sa kasuotan. At kung hindi naman ay hindi talaga ako pinanganak para makisalamuha sa matataas ang kinabibilangan sa aming bayan.
Kapag napili nga pala ako ay ibibigay ko kay ate. Maganda naman at mas presentableng manuot si ate dahil na rin sa marami siyang magagandang kasuotan. Paborito talaga siya ng aming ina. Paborito rin naman ako ni ama pero kay ate kasi napupunta ang regalo nito kapag nagugustuhan niya.
Wala rin naman akong magagawa dahil sa pinapaboran sa ate dahil sa kalusugan niya. Pinagbibigyan ko na lang.
Kahit na minsan ay nakakasama talaga ng loob ay hinahayaan ko na lamang. Mas mabigat kasi sa puso yung may hinanakit ako kaya nagpapatawad ako agad. Hindi naman sila iba sa akin dahil sila lang ang pamilya ko.
Natigil sa pag-mumuni-muni ko nang may tumigil sa harap ko. Ang tagapamahala!
"Magandang araw po." Bati ko, ngumiti at yumuko. Pag-angat ay sinalubong ko ang tingin niya.
"Anong pangalan mo?"
"Viana Amerson po." Sagot ko at hindi kinalimutan ang ngumiti. Inalis ko ang ngiti ko nang makitang seryoso niyang tinitingnan ang ulo ko at pababa.
Kinabahan ako nang mangunot ang noo niya ng saglit nang mapunta sa kasuotan ko.
"Pakilahad ang mga kamay." Sinunod ko ang utos niya. Hawak ko pa rin sa kanang kamay ang rosas. Nang sumenyas siya na ibaba ang kamay ko ay mabilis ko itong ibinaba.
"Wala ka bang mas maayos na kasuotan maliban sa suot mo?"
"Po?"
Wala na akong narinig pa. Umalis siya sa harap ko at bumalik sa pinakagitna. Doble doble na ang kabog ng dibdib ko. Palagay ko ay namanmanhid ang kamay at pang-ibabang katawan ko.
"Ang lahat ng may hawak na rosas ay umabante paharap. Kayo ay napili. Ang walang hawak o naglaho ang hawak na rosas ay maari nang umalis."
Nanlaki ang mga mata ko. Inangat ko ang kanang kamay ko na may hawak ng rosas ngunit ganun na lamang ang kaba ko nang wala na akong hawak. Nawala?
BINABASA MO ANG
Azalea Princess
FantasyUpang maalis ang sumpang ipinataw sa bayan ng Terrania ay isang dalaga ang pipiliin upang maging mahalagang alay sa angkang pilit winawala sa kasyasayan ngunit nag-iwan ng sakuna, ang Azalea. Ang dalagang mapipili ay tatawaging Azalea Princess. ...