Chapter 3

3.7K 50 2
                                        

Nilock ko ang kwartong napasukan ko, inasikaso ang mga gamit at kumuha doon ng panibagong damit saka ko ito hinagis sa ibabaw ng kama.

Dumeretsyo ako papuntang comfort room para maligo, kakahubad ko palamang ng shirt ko ng marinig kong biglang tumunog ang cellphone ko mula sa bedside table at mukhang importante yata ang tumatawag.

"Kristofer Aragon speaking"

["Nasa Russia ka daw"]

Nahilot ko ang ulo ko't napapikit ng mariin, saka bumalik ng banyo at kinuha ang sipilyo.

'Ang bilis talaga ng balita.'

"Yeah," bored kong sagot at nilagyan ng tootpaste ang toothbrush.

["Nagkita ba kayo ni Sheina?"]

"Yeah, and?"

["Nanay mo ako wag mo akong ganyan ganyanin, Isa pa pinagbigyan na kitang maging professor sa amerika dahil iyon ang pakiusap mo sakin at dinadahilan mong doon nag aral si Sheina, tapos malamanlaman ko na nagresign ka! At ngayon andiyan ka sa Russia, sana naman andiyan ka for your fianceé to continue your wedding!"]

"Oh god! Ma, bakit niyo ba laging pinapakialaman ang buhay ko, I already told you I quit on marrying that woman. Hindi pa ba sapat na tinakbuhan ko na siya sa harap ng simbahan?"

["You stupid son! Manang mana ka talaga sa Papa mo, you are rude at hindi kana nahiya sa ginawa mo kay Sheina, you hurt her! Isa pa kung andiyan ka rin lang naman sa Russia puntahan mo si Sheina, apologize and make it up to her, kung pwede lang anak, buntisin mo na rin siya. Aba'y naku, kami ng papa mo tumatanda na!"]

"Ma! Ano ba," Napaubo ako sa mga sinabi niya, this is the reason why I hated to be there because of my mom's non ending sermon like the priest at the church mas malala pa nga yata siya sa pari e.

Pero narinig ko nalang siyang tinawanan ako bago nawala ang linya.

"Argh! Hindi ba nila matanggap na ayoko sa katulad ni Sheina, I'm gay for goodness sake! I love man more than woman, damn it!"

Napatingin na lamang ako sa harap ng salamin, I have this blonde hair na namana ko sa mama ko na amerikana, while the other is from my father who's half filipino pero mas magaling pa sila managalog kesa sa mga totoong pilipino.

Bumaba ang tingin ko sa katawan ko, kapansin pansin rin na lumaki na rin pala ang katawan ko, naiiling nalamang ako nang maalala ang mga pinag daanan kong training sa marines bago magturo doon, I never knew na magiging ganito pala ako. Pinagpatuloy ko nalamang ang pagsisipilyo at pagbabad sa shower.

Nang matapos ay kinuha kong muli ang cellphone ko, maglalakad na sana ako patungo sa tereseta ng kwarto upang manigarilyo nang mapansin kong dahan dahang bumukas ang pinto ng kwartong tinutuluyan ko.

Mabilis akong nagtago sa likod ng makapal na kurtina, tinalasan ko ang paningin at pakiramdam ko sa kung sino ang pumasok, naging alerto ako ng makarinig ako ng mahinang yabag.

In a swift move I grab my gun and immidiately pointing it to the intruder.

"Gago! Ano ba!"

I saw Sheina with a knife on her hand pointing towards me while my gun also pointed to her, I'm so surprised by her sudden stance causing me to be on my guard and alerted to any moves that she'll attack me.

"Fuck, " napamura ako ng makita ko siyang biglang sumeryoso, at halos mabilis niyang iginalaw ang katawan patungo sakin, she's quiet skilled but not for me, I saw her in a slow motion, her movements is like in the box on marines close combat like a shoulder-width from neck level down to the belt level to prevent herself from slashing too wide and telegraphing her attack into me.

SHEINA ARAGONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon