57: "Pagdiriwang Sa Kaarawan" (2/3)

315 20 0
                                    

SA lahat ng mga taon na ito, si Jun Xian lang ang iniimbitahan sa piging na l Kaarawan ng Prinsipeng tagapagmana, gayunpaman ang taong ito ay isang taliwas. May karagdagang dalawang bisita ang Palasyong Lin  na naging dahilan ng pag-aalala ni Jun Xian.

Ang imbitasyon ni Jun Wu Xie ay dahil sa 'biyaya ng Emperador' nang ipaabot niya ang kanyang imbitasyon sa kanya bilang 'paghingi ng tawad' sa pagsira sa kasunduang pakasal.

Samantalang ang imbitasyon ni Jun Qing ay huli nang dumating dahil mahigit isang buwan na mula noong siya ay nasiyasat at lahat ng nag-iisip na siya ay mamamatay sa panahong ito. Gayunpaman, walang kumalat na balita tungkol sa kanyang inaasahang kamatayan at ito ay nagpabagabag sa marami.

Mukhang hindi lang simpleng selebrasyon ang piging na Kaarawan ng Prinsipeng tagapagmana bukas.

Marami ang gustong kunin ang pagkakataong ito upang siyasatin ang sitwasyon ni Jun Qing.

"Kumusta ang paggaling ni Jun Qing sa panahong ito?" Hindi agad sinagot ni Jun Wu Xie si Jun Xian dahil ginagawa niya ang kanyang nakagawiang pagrepaso, lumingon kay Jun Qing at tinitingnan ang pagbuti ng kanyang paggaling.

Ang kalagayan ni Jun Qing ay bumuti nang husto. Matapos malinis ang kanyang dugo at maalis ang lahat ng lason sa kanyang katawan, sinimulan na nila ang yugto ng pagkondisyon sa katawan. Sa lahat ng akupungktura at mga gamot na sariling gawa ni Jun Wu Xie, maging ang kanyang mga binti ay parehong gumaling at naramdaman niyang muli ang kanyang mga binti. Ngayon, gumagawa siya ng gamut upang palakasin ang kanyang mga kalamnan sa binti at pagsasanay upang magsimulang maglakad muli. Siya ay nagsasanay sa paglalakad gamit ang saklay upang makatulong sa kanyang paggaling.

Kahit na nahihirapan si Jun Qing, kumpara sa dati, ito ay isang malaking pagpapabuti.

“Mas maganda ito kaysa dati, sa tingin ko ay makakalakad ako sa kalahating taon . ” Si Jun Qing ay kuminang nang husto, habang siya ay napahagulgol. Ang panahong ito ng paggaling ay ang pinakamasayang pagkakataon na naranasan niya sa loob ng isang dekada.

“Hindi lahat ng bagay ay minamadali, kahit gumaling ka ng maayos ay hindi natin ito malalampasan o kung hindi ay magiging walang kabuluhan ang lahat . ” Binalaan ni Jun Wu Xie si Jun Qing.

Kahit na siya ay mukhang napaka banayad at masunurin, pagdating sa paggawa ng mga bagay, siya ay napaka determinado at agresibo at madalas na itulak ang mga bagay sa sukdulan . Ito ay makikita noong siya ay gumagawa ng pagsanay kamakailan lamang at hanggang sa siya ay bumagsak at dinala pabalik ni Long Qi saka siya tumigil sa pagsasanay. Si Jun Wu Xie ay tinawag nang maraming beses dahil dito.

Kinailangan ni Jun Wu Xie na mahigpit na paalalahanan si Jun Qing kung hindi ay maaaring magresulta na lang sa balik-dati ang kanyang sobrang sigasig.

Dahil pinagsabihan siya sa sarili niyang pamangkin na si Jun Wuxie, tumawa siya ng malakas habang hinahampas ang kanyang mga binti sa tuwa, puno ng sigla ang mga mata, "Wu Xie, anuman ang sinabi mo ay nauunawaan ko talaga... Kaya lang sa loob ng mahigit sampung taon... Ako ay isang lumpo . Sa loob ng mahigit sampung taon! Ngayon ay may pagkakataon na akong makalakad muli, hindi na talaga ako makapaghintay. Yung pakiramdam na nakakalakad na ulit, hindi ko iniisip na  karaniwang tao maaaring maunawaan ito . ”

Matapos siya naging baldado, ang dami ng pangungutya at kahihiyan na natanggap niya ay hindi na mabilang gayunpaman ang mga beses na siya ay tumawa ay madaling mabilang. Ang kawalan ng pag-asa na naramdaman niya ay natangay lahat ng napakatalino nitong pamangkin.

Malapit na ang araw kung kailan siya aakyat pabalik sa langit at ito na ang oras ng pagbabago!

Isipin mo na para bang wala akong sinabi noon . Magdadagdag pa ako ng gamot na pampalakas para sa iyo. ” Nakakita na si Jun Wu Xie ng mga masigasig na pasyente noon, gayunpaman, ang yugto ng pagliban  sa paggamot na pagsasanay na ito ay hindi niya lubos na responsibilidad.

Si Jun Qing ay iba sa ibang mga pasyente, hindi niya hahayaang may mangyari sa kanya kahit ano pa ang mangyari.

Nagsumikap ka. ” Si Jun Qing ay mainit na tumingin kay Jun Wu Xie, dati ang kanyang pagkagusto sa pamangkin na ito ay dahil sila ay may kadugo, ngunit ngayon ay mahal na mahal niya ang kanyang pamangkin mula sa kaibuturan ng kanyang puso.

Gusto niya ng mabilis na paggaling upang maprotektahan ng kanyang dalawang kamay, ang pamilyang ito na mahal na mahal niya.

GENIUS DOCTOR  BLACK BELLY MISS (Tagalog Version)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon