CHAPTER THREE
Alas-siyete ng umaga ay naiinip kong hinintay ang Senyorito. Kaninang 6:30 pa dapat ako gumayak papuntang bayan ngunit ng malaman kagabi ng Don na bibili ng supply para sa sakahan ay inudyok nito ang apo na sumama. At ngayon nga ay hinintay ko pa itong kumain ng umagahan at kasalukuyang naliligo na.
Habang nakaupo sa driver's seat ng Ranger pickup na pagmamay-ari ng Don ay tanaw ko ang paglabas ng Senyorito sa bukana ng mansyon.
There he is, walking like freaking God. Bakat sa suot nitong puting t-shirt ang hulmado nitong katawan. Jeans hanging lowly on his torso.
Oh, boy! This man could make women imagine worldly thoughts and make them kneel!
Napaiwas ako ng tingin, dibdib ay kumakabog. Bago pa man ito makarating sa pintuan ng kotse ay ni-start ko na ang sasakyan.
Nang buksan nito ang pinto ay bahagya pa itong nagulat nang naroon sa passenger seat si Euro. Hindi nito kasama ang ka-partner na asong si Dollar, iniwan ko kasama ang mga kabayo. Pinaalis ko naman roon ang alagang unggoy at pumwesto ito sa likod.
"You have a license to drive?" anito nang makasakay.
Nang saktong maging labing-pitong gulang ako ay inutusan ako ni Don Gustavo na kumuha na agad ng lisensya. Wala namang kaso iyon dahil marunong naman na akong magmaneho kahit noong kinse palang ako. Pero syempre hindi lang nagpapahuli sa mga LTO.
"Wag ka mag-alala, hindi ko ibabangga tong kotse." medyo mapang-asar kong sabi. Tumaas ang sulok ng labi nito sa narinig.
"You better be."
Habang bumabyahe ay tahimik lang kaming dalawa at pinapakiramdaman ang isa't-isa. Mabuti na lamang ay nabawasan ng bahagyang tensyon nang pumasok sa likod ng kotse si Julius. Dinaanan namin ito sa kanila.
Hindi naman nya inaasahan na kasama ko ulit ngayon ang Senyorito kung kaya't binati nya ito ng makita sa loob ng kotse.
"What's your name again?" sa mababa at malamig na tono nitong tanong.
"Julius po."
Hindi na nasundan iyon at nanatili nang tahimik ang paligid.
Una naming pinuntahan ang isang poultry shop na palagi namin pinagkukuhanan ng supply. Sinimulan nang buhatin ni Julius ang mga napamili at nang makita ng Senyorito ang ginagawa ay tinulungan nya rin itong maglagay sa likod ng pickup. Hindi ko naman naiwasang pagmasdan ang namumukol nitong muscle sa braso habang binubuhat ang sako.
Natapos naman sila sa ginagawa at sunod naman naming pinuntahan ay hardware. Si Julius lang ang bumaba at naiwan kami dito sa loob. Ilang minuto pa ang lumipas.
"Do you do this often? Ran errands and manage the farm?"
I looked at the man beside me when he started a conversation. His face in front, looking outside the passing vehicles.
"Hmm." ani ko na may kasamang tango.
"You don't look like you're from here. How long have you been working for my grandfather?"
Napasinghap at napaisip pa ako saglit bago nakasagot.
"U-Uhm.. Magtatatlong taon na."
"And how old are you?"
"S-seventeen." Hindi ko alam pero nagsisimula na akong kabahan sa tuloy tuloy nyang pagtatanong.
"Still in highschool, I see." anito at nakasandal ang kanang braso sa bintana ng sasakyan, hawak na ang labi.