CHAPTER SIX
"Ice candy! Eto na ang ice candy!" masiglang sigaw ni Hannah habang kumukuha ng ice candy sa loob ng styro box.
Nang mapagod sa kakalangoy ay nagpahinga na muna kami rito sa gilid ng sapa. Pagkatapos ng ginawa ni Jaro kanina ay mabilis akong napaiwas at pilit na nagpapanggap na parang wala lang sa akin iyon pero ang totoo ay halos uminit ang mukha ko tuwing naiisip ang interaksyon na naganap sa aming dalawa.
His body feels so good near mine. Matigas ang katawan niya na tila saktong-sakto sa malambot kong katawan.
Napabalik ako sa ulirat sa lamig ng ice candy na nilagay ni Hannah sa kamay ko.
"Oh ice candy! Parang kang kamatis dyan sa pula ng mukha mo, Salve!"
"Ang lamig kasi!" pagdadahilan ko nang mapansin niya na namumula ako.
"Ikaw, Jaro? Ice candy?" sunod namang alok ni Hannah rito habang nilalahad ang hawak na ice candy na agad ring tinanggap.
"Hmm... Ang sarap talaga ng ice candy mo, Salve! Nakakalasing!" si Badang habang humahalakhak.
Talagang nakakalasing! May halong gin yan!
Napasulyap ako sa gawi ni Jaro nang sinimulan nyang sipsipin ang ice candy.
His lips were red because of the coldness. I wonder how it feels to be sucked by those lips?
Mabilis akong napailing dahil sa biglang pumasok sa isip ko. When did I think of such a thing?!
Matino akong tao at kailanman ay hindi pumapasok sa isip ko ang mga mapupusok na bagay. Pero simula nang nangyare kanina ay para akong sinasaniban ng kung ano, simpleng galaw lang ng binata ay nahahaluan na ng malisya.
"Taste weird." simpleng komento ni Jaro habang patuloy parin sa pagsipsip.
Oh, those lips!
"Masarap diba? Specialty ni Salve iyan!" sabi ni Japjap at malokong ngumiti. Tumingin naman sakin si Jaro kaya nahihiyang umiwas agad ako ng tingin, baka mahuli pa sa ginawang kalokohan.
"Ubusin nyo yan ah!" usal ko nalang habang nakatingin sa mga kasama, maliban sa isa.
"Marami ka rin bang kaibigan doon sa manila, Jaro?" tanong ni Deejay.
"Yeah, kinda."
"Gwapo rin ba tulad mo?" pang-uusisa ni Badang. Kung pwede lang tapalan ng tape ang bibig ng isang 'to, baka buong mukha nilagyan ko pa.
"You could say that."
"Pahingi ng number!" si Marie, isa pang makapal ang mukha.
"Eh magagandang babae?" walang hiyang tanong pa ni Japjap.
Nakita ko pa ang bahagyang pagsulyap sa akin ni Jaro bago tumugon.
"Uh-huh." usal niya habang nasa akin parin ang paningin, inaabangan ang ekspresyon ko.
"May marereto ka ba?" habol pa talaga ni Japjap, hindi mawari kung gawa ba sa semento ang mukha dahil sa kapal.
"Huwag ka nang umasa Japjap. Sa mukha mong yan? Baka pati kambing ayaw kang patulan." pang-aasar ni Hannah. Binato naman siya ni Japjap ng plastik ng ice candy.
"Hoy! Wag ka nga magkalat!" suway naman ni Julius.
Napapailing akong tumingin sa kanila. Tuwing kasama ko talaga ang mga ito ay walang segundo na na hindi masaya.