CHAPTER FOUR

4 1 0
                                    

CHAPTER FOUR

"Eyes on the book, lady." my eyes rolled.

Paano ko ba sasabihin sa kanya na tapos ko na pala basahin 'tong librong to noong  nakaraang linggo pa.

Nakatuon ang atensiyon nito sa librong binabasa, napawi lang iyon dahil sa isang katok at nang bumukas ang pinto ay lumuwa ang ulo ni ate Beth doon.

"Senyorito! Hinahanap po kayo ni Don Gustavo."

Tumayo naman ang binata at lumapit sa pinto. Lumingon pa muna ito sakin.

"Stay here and don't think of going anywhere." pahabol pa nito bago tuluyang umalis at sinara ang pinto.

Now what?

Napapabuntong hininga akong sumandal sa sofa'ng inuupuan. Hindi man nagtagal ay napalingon ako nang mayroong narinig na kaluskos sa labas ng pinto. Kusang bumukas iyon at natanaw ko si Euro na nakasabit sa knob ng pinto habang si Dollar ay pumanhik sa pwesto ko at tumahol, sumesenyas na sumama ako sa kanila palabas.

"Hoy! Julius, gising!" dala ang bike ay tumakas ako sa mansyon at dali-daling pumunta rito sa farm.

Sinipa ko pa ang paa ni Julius dahil naabutan ko itong natutulog sa ilalim ng puno. Nang maalimpungatan ay tinanggal niya ang sumbrerong nakatakip sa mukha.

"Ano? Bakit?" napapakamot pa sa ulong tugon nito.

"Nakabili ka na ba?" pang-uusisa ko pa rito.

"Oo, nabili ko na kaninang tanghali."

"Edi ayos! Ibigay mo nalang sakin mamaya sa bahay kapag pauwi ka na ah."

"Oo na." muling usal nito, tila antok pa at pumwesto ulit sa pagtulog. Sumakay na ulit ako sa bisikleta at nagpedal papaalis.

Uuwi nako!

Baka kapag bumalik pa ako ngayon sa mansyon ay pilitin ulit ako magbasa ng masungit na Senyorito.

"Woof!"

"Uuwi na tayo!" Tugon ko sa aso.

Nang makauwi ay naabutan ko si Tandang dory na naggagantsilyo sa sala.

"Ang aga mo ata umuwi ngayon ah?"

Nagmano naman ako rito bago dumiretso sa kusina para uminom ng tubig.

"Namiss ho kita eh, hehe." pabiro kong sabi na ikinangiwi ng matanda.

"Wag mo nga ako pinagloloko, bata ka."

"Joke lang manang! Di na mabiro." ani ko. Lumapit ako at umupo sa kahoy na upuan na naroroon sa sala.

"Kumusta naman doon sa mansyon ng mga Lowell, Salve? Nakakausap mo ba iyong apo ni Don Gustavo?"

Hindi naman naalis ang paningin nito sa ginagawa. Inabot ko ang remote at binuksan ang tv.

"Opo. Ang gwapo nga ho eh. Masungit nga lang." sambit ko habang nakatutok sa pinapanuod.

"Oh? Balita ko nga ay kay gwapong binata nga iyon. Meron na raw bang nobya?"

"Hindi ko po alam. Pero baka meron. Gusto nyo po ba itanong ko?" pabiro kong sabi.

"Puro ka talaga kalokohan, Salve."

Napaisip naman ako dahil sa nasabi. I wonder if he does have a girlfriend. Paniguradong sopistikada at maganda ang mga tipo nun. Hindi gaya ko na-. Napapailing kong inalis sa isipan ang naisip. Kung ano man ang tipo niya ay wala na akong pakealam ron!

"Tumawag na ba ulit ang kapatid mo?" muli nanamang tanong ng matanda.

"Hindi pa ho." walang gana kong tugon.

Salvatore Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon