Chapter 1.

1.4K 38 0
                                    

Evia’s POV.

Ngumiti ako nang makalabas ako sa munti naming tahanan. Wala ang aking mga Ina, may ginagawa yata sa labas ng kakahuyan, sa bayan, kaya ako na lamang ang natira rito.

Sa totoo lang ay halos araw-araw naman akong mag-isa rito dahil parati silang lumalabas at halos mag-gabi na umuuwi. Hindi ko alam kung anong ginagawa nila o ang trabaho nila roon basta kapag umuuwi sila ay may pagkain na at may sariwang dugo na ng hayop. Sa tingin ko ay nag-t-trabaho sila para mayroon kaming makain. Kaya hindi ko na kailangan mag-alala at magtampo sa kanila na hindi kami parating magkasama. Para rin naman yata iyon sa amin at naiintindihan ko sila.

Hindi naman sila nagkulang na ibigay sa akin ang lahat ng pangangailangan ko araw-araw. Sa totoo nga ay ang swerte ko sa kanila dahil inalagaan nila ako at pino-protektahan mula labas. Sabi kasi nila na delikado ako sa labas, maraming papatay sa akin. Pinapatay nila ang gaya kong may dalawang dugong nananalaytay sa katawan. Kahit naguguluhan ay pinili kong intindihin. Para naman din iyon sa aking kaligtasan. Dahil sa kanilang ginagawang kabutihan sa akin ay nire-respeto ko sila ng lubusan.

Inilibot ko ang aking tingin sa paligid. Puro kahoy ang nakapalibot sa aming bahay. Nasa pinakagitna ng gubat ang aming tahanan kaya malayo ito sa mga bayan. May mga paro-parong nagliparan sa paligid at ang tinig ng mga ibon ang aking naririnig. Isa lamang ang masasabi ko, ang lugar na ito ay iwas sa gulo at napakatahimik kaya gugustuhin ng iilan na manirahan dito. Kailan man ay hindi ako nagsawa sa lugar na ito. Nakakapahinga ako ng mabuti at walang masasakit sa tenga gaya ng aking nababasa sa mga libro tungkol sa mga bayan.

Huminga ako ng maluwag at saka pinikit saglit ang mata para damhin saglit ang simoy ng hangin. “Isang araw na naman para manguha ng prutas at para puntahan ang paborito kong lugar.”

Ngumiti akong muli saka nagsimulang maglakad sa kanang bahagi ng aming tahanan kung saan nakatanim ang mga prutas na gusto kong kunin, ang puno ng sari-sari. Ito ang klase ng puno na halos nandoon lahat ng mga prutas na gusto mong kainin. Hindi ko alam kung sino ang nagtanim no’n, basta ang alam ko lamang ay noong nakita ko iyon ay malaki na siya. Hindi nga rin ito nauubusan dahil kada balik ko araw-araw ay may bunga muli. Ngunit kahit paulit-ulit mong kainin ang bunga niyon ay hindi ka magsasawa. Sobrang sarap ng bunga na balik-balikan mo talaga. Sa tingin ko ay isang diwata ang nagtanim no’n para sa mga maglalakbay na napapahinto at nagugutom. May lawa rin malapit doon kaya may maiinom din sila. Iyon din ang paboritong lugar na pinupuntahan ko.

Kay buti ng mga diwata.

Nang makarating ako roon ay tiningala ko ang puno. Sobrang taas nito at mahihirapan ka talagang kunin ang bunga kung hindi mo alam kung paano kunin ito. Mataba rin ito na tila ba ay kaya ka nitong kainin at isilid sa loob habang buhay.

Huminga ako ng malalim saka binaba ang basket na dala ko. Napameywang ako saka inilibot ang tingin sa paligid upang humanap ng maaring apakan. Napangiti ako nang makita ang magkakatabing kahoy na palagi kong ginagamit para makuha ang mga prutas na gusto kong kunin. Nasa kaliwang bahagi ko ang mga iyon.

Kinuha ko ang kutsilyo saka nilatag ang tela na sakaling mahulog doon ay hindi masira at hindi madumihan. Nang matapos ay hinanda ko na ang sarili. Isa muling pagsasanay para sa akin.

Ngumiti ako at saka mabilis na tumakbo papunta sa isang puno saka tumalon. Inapakan ko ang punong iyon saka mabilis na tumalon sa kabila at inapakan na naman ito. Tumalon ako at umikot. Nang makita ko ang isang malaking sanga ay hinawakan ko ito. Inikot ko ang sarili sa sangang iyon saka tumalon.

“Woah!” muntik na akong mawalan ng balanse nang umapak ako sa isang sangang sobrang lapit sa punong pakay ko. Napangiti ako nang mabalanse ko ang aking sarili. “Yas!” palagi akong ganito kapag hindi ako nahuhulog.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now