Chapter 28.

679 26 1
                                    

Evianna’s POV.

Hindi ko alam kung ano ang magiging reaksyon ko sa mga nangyari kahapon. Ang saya-saya naming lahat at bigla nalang nagkaganoon. Ganoon ba talaga iyon? When times that you are happy, there will be always a sadness after.

What happened made me sad. Maraming nasawing buhay ng mga inosente at masasayahing bampira dahil lamang sa kagustuhan nilang makuha ang buong mundo. Naaawa ako sa mga batang iyak nang iyak dahil sa mga nangyari, alam kong na-trauma sila. They were just kids but they’ve saw the cruelty of our enemies. They were almost killed. And one of the reason some of them are crying because they’ve lost someone, their loved once.

Nagbuntong-hininga ako habang tiningnan ang mga Yreliang nasa bulwagan. Nakaupo sila sa sahig at doon lamang natutulog. Not on the floor, we gave them tents, clothes, pillows, and other things they needed. Pati pagkain ay binibigay namin and I was one of the highest who volunteered to serve their foods. Nagpumilit lang talaga ako kahit hindi dapat ako ang gumagawa noon. Nakita kong nahihiya ang mga katulong at kawal sa aking ginagawa. I just ignored them.

Gusto ko sanang iligay ang lahat sa mga silid ng kaharian, ngunit sa rami nila ay hindi magkakasya, dahil limitado lamang ang guest room dito kahit napakalaking palasyo ang Vladeya. Ayaw naman ni Grave na mag-favoritism kaya rito silang lahat sa bulwagan. Dito ay magkakasya sila dahil ito ang pinakamalaking lugar sa loob ng palasyo. They all agreed. And I am glad that they are comfortable sa mga bagay na aming ibinibigay.

Napabaling ako sa isang batang bampira na malakas na umiiyak. I saw her hugging herself. Lumalayo siya sa pamilya niya na tila takot na takot dito. Naramdam ako ng awa nang makitang umiiyak ang kaniyang mga magulang at nanatili lamang sa kanilang kinauupan, hinuha ko’y ayaw nilang matakot ng husto ang kanilang anak. The kid must be really traumatized. Sa sitwasyon talagang  ganoon ay dapat hindi ipinapakita sa mga paslit dahil maaring mabigla sila at hindi kakayanin ang mga nangyayari.

Inabot ko sa isang katulong ang hawak na tray na walang lamang pagkain. Dahan-dahan akong lumapit sa mga magulang niya saka tinapik ang mga ito at sinabing ako na muna nag bahala. I am not good with kids but I am trying to have a bond with them. Para sa future… ahem.

Dahan-dahan kong nilapitan ang bata na ngayon ay patuloy sa pag-atras habang nakatingin sa akin. Puno ng takot, pangamba, at hindi maipaliwanag na emotion sa kaniyang mga mata.

Lumuhod ako sa harapan niya na ikinaigtad niya. Bahagya siyang lumayo muli sa akin. “Uhm… hi?” I started, but she just looking at me like I did something horrible to her.

I talked to her with my softest voice at pilit na pinaintindi sa kaniyang ang mga nangyari. She slightly nodded na tila naintindihan niya ngunit may takot pa rin sa kaniyang mga mata kaya nabuhayan ako ng loob. Well, I can’t blame her. She has the right to be freaked out. I know it was hard for her to cope up from what happened, that’s why I was really eager to make her understand. I was shocked when she immediately understands me. A lot of kids are not like her, they didn’t understand.

Bumuntong-hininga ako saka itinaas ang kaliwang kamay. May bilog doon na sumisimbulo sa aking pananggalang. Nakita kong namamangha niya itong tinitigan. “This is my shield, little one. I will give this to you for you to be protected. You want this?” mabilis siyang tumango kaya ikinangiti ko.

Itinapat ko iyon sa kaniya at may umuulan na parang alikabok sa kaniyang uluhan kaya alam kong naprotekhan ko na siya. She suddenly hugged me making me smile even wider. What a nice feeling.

The kid already hugged her parents kaya iniwan ko na sila roon dahil tinawag na ako ng punong kawal, si Ravos. Naglakad kami papalabas ng bulwagan. I stopped on the doorway and looked at the vampires again. Inilibot ko ang paningin sa paligid at at bumuntong-hininga. I need to do this for everyone.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now