Chapter 29.

622 26 0
                                    

Evianna’s POV.

“So… what do you think?” tanong ni Ethan ang pinunong si Leven. He was the matandang guy kanina na sumalubong sa amin.

Dinala niya kami sa loob ng kanilang mansyon. Kung ganoon ka dumi at luma ang kanilang tarangkahan ay ganoon din kaganda ang nasa loob. Tila’y mas maganda pa ang bayang ito keysa sa Yrelia, sa totoo lang. It’s ft just it’s so different here yet it’s so welcoming. I felt like this place is a good place to relax and get away from your problems. Hindi ko akalain na ganito pala kaganda ang lugar nila. Ang buong akala ko ay puno ng mga balahibo ang kanilang bayan dahil nga they are full of… dog—werewolves. Talagang don’t judge the book by its cover.

We are now inside the dining area. Since it’s already lunch time, inaya nila kaming kumain. Sa una ay tumanggi pa kami dahil may mga baon naman kami at hindi kami magtatagal dito dahil kailangan naming makabalik sa amin pagsapit ng gabi. Ngunit nagpumilit siya at sinabing they are expecting us kaya naghanda sila ng marami. Kaya wala rin naman kaming nagawa at tinanggap ang alok nila. Wala naman sigurong mga lason ang binibigay nila. Sana.

All I thought was they were eating raw food that’s why I was kinda worried that we might eat raw too. Pero noong nakita namin ang handa ay halos lumawa na mga mata dahil sa rami niyon. Not just that, hindi raw, kung hindi luto lahat. Ang sasarap tingnan. They are expecting us, alright. At tila alam nilang marami kami kaya ganito. Well… may grasya na. Babaliwalin pa?

While eating, nagtanong si Priox kung paano niya nalamang pararating kami. He said that he was expecting us to be here because of the attack. At ngayon ko rin pala nalaman na ang kanilang hari ay si Yeron and they are already an ally of Xenia Kingdom.

Nagtanong ang matandang lalaki kung ano ang pakay namin sa kanila kaya pinaliwanag lahat ni Ethan, since siya naman ang may malaking bunganga rito. Tinaguriang makapangyarihang lalaki at celebrity sa mundo ng mga tao ngunit kung makaasta kala mo babae. Tsk.

He said about seeking for help to save the world and protect everyone of us from the witches. Dahil hindi nila sabihin ay alam kong maraming mga witches, sigurado ako roon. Hindi sila maglalaho kung wala silang planong magparami at magbalik upang gawin ang kanilang mga plano.

Tumango-tango si Pinunong Leven. Hinawakan pa niya ang kaniyang balbas na tila’y nag-iisip. “I agree sa desisyon niyong magsama-sama ang lahat ng nilalang laban sa mga mangkukulam. The upcoming war will be one of the biggest war that will happen. This will be all creatures versus witches,” patango-tangong saad niya.

Ngumiti si Neo. “So… you agree?” tanong ni Neo, expecting him to say yes.

Tumingin muna siya sa asawang nasa gilid niya bago muling ibalik sa amin ang kaniyang tingin. “Yes.” Maghihiyawan na sana ang aking mga kasama nang may sinabi siyang ikinatahimik namin. “Actually, I already said yes to our king. Sinabi na na sa amin ang planong ito.” Wait…what?!

 

“So, you mean… na walang kabuluhan ang pagpunta namin rito? Na hindi man lang nila kami pinigilan? Talagang sinuportahan pa nila?” hindi siya nakasagot sa katanungan ko. Nakaramdam ako ng galit. Tumayo ako. “What’s the point of being here, anyway? They tricked us!” tumaas ang aking boses. “Ilang oras kaming napunta rito at may nakalaban pa, pero napunta lang pala iyon sa basura?!”

“Evianna, huminahon ka,” saad ni Solvena.

Lumingon ako sa kaniya. “No! They are wasting our time! Sa halip na tumulong tayo sa mga Yrelia, pinapunta lang tayo rito ng walang kabuluhan!” sigaw ko. Ang ayoko talaga ay sinasayang ang oras ko kapag may responsibilidad akong inaatupag. Wasting time is like wasting the part of your future. I want all of us to get ready. Ayokong may mamamatay na naman kahit hindi iyon maiiwasan.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now