Chapter 22.

676 34 0
                                    

Evia’s POV.

“Evia. Pinapatawag ka ni Headmistress sa H.O.”

Napahinto ako sa paglalagay ng pagkain sa aking pinggan nang pumasok si Neo rito sa loob ng dining area. Nakapamulsa itong naglalakad sa kinaroroonan ko at saka umupo sa aking tabi.

Taka ko siyang tiningnan. “Ano raw ang kailangan?” tanong ko. May nagawa ba akong masama? May nalabag ba ako? May kasalanan ako?

Nagkibit-balikat siya. “Don’t have an idea,” sagot niya saka nagsandok ng sariling pagkain.

Tiningnan ko si Solvena at medyo nagulat ako nang makitang nakatingin pala siya sa akin. Nakakunot-noo siya na tila’y iniisip kung ano ang kailangan ng kaniyang Ina sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan ngunit nagkibit-balikat lamang siya.

“Ano ba ang ginawa mo, Evia? May kasalanan ka bang nagawa? Headmistress should really punish you if you did,” nakangising sambit ni Oxy na tila’y natutuwa sa aking reaksyon. Sinubo pa niya ang kaniyang pagkain habang nanatiling nakatingin sa akin. Tinaasan niya lamang ako ng kilay nang hindi ako sumagot sa kaniya.

Even if ilang buwan na ang nakaraan, she still don’t like me. Hindi nagbabago ang turing niya sa akin. Palagi niya akong tinatarayan at inaaway, hindi ko man lang alam kung bakit. Oo, alam kong may gusto siya kay Lucas ngunit sa tingin ko ay hindi lamang iyon ang dahilan, sa tingin ko ay meron pa. Kaya sobrang nahihirapan ako kapag siya na ang kakausapin ko. Hindi pa rin niya ako pinapansin kapag hindi importante. Para lamang akong hangin sa kaniya na hindi nakikita. She always insulted me when she had a chance. And she even can’t talk to me properly.

Hindi kami talaga magkasundo. We have never been talked formally. Hindi humahaba ang aming pag-uusap dahil bigla niya akong tatarayan at iniiwan na tila hindi siya interesado. Gusto ko siyang makasundo dahil mataas ang tingin ko sa kaniya dahil makapangyarihan siya ngunit talagang ayaw niya sa akin. Alam ko iyon. She told me that so many times, hindi man lang siya nagdalawang-isip. I guess we will not destined to be friends.

“Oxy! You are being a meannie again.” Umirap lamang siya sa saway ni Solvena.

“Whatever.” At nagpatuloy siya sa pagkain.

Nang tumingin sa akin si Solvena ay tinanguan niya ako na tila ba’y sinasabi sa akin na puntahan ko na lamang. Nagbuntong-hininga ako saka napagdesisyonang pumunta na lamang doon para malaman talaga kung ano ang tunay na pakay sa akin ni Headmistress. But I feel like it will be important, I am sure of it.

Tumayo ako mula sa aking kinauupuan at nagsimulang maglakad papalabas, ngunit hindi ko naituloy nang may humila sa aking braso. Kunot-noo kong nilingon ang gumawa noon. At mas lalo akong nagtataka nang makitang si Lucas iyon.

“Bakit?”

Dinulas niya ang kaniyang kamay mula sa aking palad saka pinagsiklop iyon. “Ihahatid na kita,” sagot niya na ikinabaling ang atensyon ko sa kaniya. Nakatitig na pala ako sa mga palad namin. Keep it together, Evia.

Lumunok ako saka marahang tumango. “S-Sige.” Sumipol ang maliit na ngiti sa kaniya labi saka ako hinala papalapit sa kaniya at hinapit ang aking bewang dahilan para lumaki ang aking mga mata sa gulat. “L-Lucas… pwede namang—”

“Let me be,” putol niya sa iba ko pang sasabihin. Napalunok muli ako saka tumango habang nakatingin sa kaniyang matang nakakaakit. Ang gwapo niya.

Napapikit ako nang biglang mandilim ang paligid at nakaramdam ako ng hilo. Napakapit din ako sa kaniyang mga braso upang hindi matumba kahit na alam kong impossible iyon dahil hawak-hawak niya ako.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now