Chapter 17.

701 39 8
                                    

Evia’s POV.

Isa-isa kong tiningnan ang mga kasama namin. Lahat kami ay nandito sa salas ng mansyon. Nakatingin sila sa amin ng katabi kong si Rosh na nakasandal lamang sa sandalan habang nakahalukipkip, kalmado. Habang ako rito ay tila abot ang kaba dahil sa panunuring tingin na ibinibigay nila sa amin na tila ba ay may ginawa kaming mali ng lingid sa kanilang kaalaman. Tila nagbabaga ito na parang kaunti lamang galaw naming dalawa ay masusunog kami.

Hindi ko tinangkang salubungin ang tingin ni Lucas na ngayon ay nakaupo sa pang-isahang sofa. Kahit ganoon ay ramdam na ramdam ko ang init at talim ng kaniyang titig na mas lalong ikinadagdag ng aking kaba. Baka mag-aapoy na naman siya ng wala sa oras. Ngunit bakit naman? Wala naman akong ginagawang masama sa kaniya para magkaganoon siya?

Nakita kong panaka-naka rin ang tingin ni Rench at Solvena sa mga kasama namin na tila kinakabahan din. Sinong hindi kakabahan? Ang bigat ng atmosphere sa paligid. Dumagdag pa iyong walang gustong magsalita. Gusto kong umalis rito.

“Ah—” hindi natuloy ang sasabihin ni Rench nang magsalita si Neo.

“Saan ka nanggaling, Evia? At bakit mo kasama itong si Rosh ng ganitong oras?” napalunok ako.

Para lamang akong nagkaroonng napakaraming magulang dahil parang pinapagalitan nila ako dahil sa hindi ko pag-umuwi ng tamang oras. Ganito rin ang aking mga Ina noong minsa’y magagabihan ako sa pag-uwi galing sa kagubatan.

“A-Ah—” hindi ako nakapagsalita nang maunahan ako ni Oxy.

“Oo nga naman. Kababae mong bampira tapos umuwi ka nang may kasamang lalaki sa ganitong oras? I didn’t know you are that… kind of a women. Tsk.” Umirap siya. Halata talagang ayaw niya sa akin. May halong pandidiri din ang kaniyang pananalita.

Akmang magsasalita ako nang magsalita na naman si Neo. “It’s the middle of the night. Alam mo namang nagsisilabasan na ang mga Slampers sa ganitong oras, ‘di ba?” tanong niya.

Hindi agad ako nakapagsalita dahil tila may bumabara sa aking lalamunan. Bakit parang ako ang napapagalitan? Bakit parang ako ang may kasalanan? Ako ang dinidiin, eh. Wala naman akong ginagawang masama, pero nasa akin ang atensyon nilang lahat.

“A-Ah… pinuntahan ko lamang ang mga kaibigan ko sa dati kong do—” at naputol na naman.

“Ng ganitong oras? Impossible!” sabat ni Oxy na tila hindi talaga naniniwala sa aking eksplenasyon.

“K-Kasi hindi ako makatulog—” at ulit na naman.

“Why are you even explaining? They are not your parents.” Lahat kami ay napatingin kay Rosh na nanatiling nakahalukipkip at tamad na nakatingin sa harapan.

“E-Eh, kasi—” ulit.

“You don’t need to explain to them, Evia.” Tumingin siya sa akin. “They don’t deserve to hear your explanations. They aren’t your parents,” pagpatuloy niya na ikinatahimik ko. Tama siya. Bakit ba ako mag-e-explain?

“We need to know what Evia was doing in this late night. Kanina pa namin siya hinahanap for dinner but she wasn't here. We are worried,” madiing sinabi iyon ni Neo habang nakatitig kay Rosh.

Tumitig din siya nito. “Why? Hindi naman yata kayo ganito sa iba, I believe. She doesn't owe you all an explanation because she has her own freedom to do what she wants. And besides, she can protect herself like what she did last time in the welcome party. Don’t be so over protective, Bro. Napaghahalataan ka,” seryosong sambit niya na ikinatalim ng tingin ni Neo. Nagtitigan sila at mas lalong bumigat ang atmosphere. “Tsk.”

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now