Chapter 6.

770 37 0
                                    

Evia’s POV.

Napadaing ako nang makaramdam ng pananakit ng aking likuran, na naman. Dahan-dahan kong iminulat ang aking mga mata. Napapikit muli ako dahil sa sobrang liwanag. Nasaan ako?

Dahan-dahan kong iminulat muli ang aking mata at liwanag ang aking unang nakita. Nang masanay ang aking mata ay napatanto kong ilaw pala iyon. Sandali… ano ba ang nangyari?

Nanlaki ang aking mga mata nang maalala kung ano ang nangyari sa akin. Ang pagising ko sa kadiliman, ang pagtakbo ko, may sumugod sa aking lobo, at… nahimatay ako sa harap ng isang malaking tarangkahan.

Napakurap-kurap ako nang mapatantong wala na ako sa labas. Ligtas na ako? Nakalabas ako sa kadilimang iyon? Ngunit paano? Nahimatay nga ako. May lumigtas sa akin? Sino? Pero salamat sa nasa itaas dahil ligtas na ako. Sandali… nasaan ako?

Mabilis akong bumangon, ngunit napabalik din naman sa pagkakahiga dahil biglang sumakit ang aking likod. Malakas akong napadaing habang namimilit sa sakit. Nawala yata sa isip kong tumama pala ang aking likuran sa puno. Ramdam ko rin ang pananakit ng aking katawan dahil sa mga nangyari. Buti nga napatay ko iyong lobo, baka ako pa ang namatay kung sakaling hindi ko ginamit ang kapangyarihan ko.

May narinig akong mabilis na yapak papunta sa kinaroroonan ko. “Anong nangyayari?” agad akong napatingin sa nagsalita.

Napanganga ako nang masilayan siya. Tila nakakita ako ng dyosang nakababa mula sa itaas. Sobrang ganda niya. Ang kaniyang tuwid na buhok na hanggang balikat ay bumagay sa kaniyang maliit na mukha. Mahaba ang kaniyang pilik-mata, matulis na ilonv, bilog ang mata, at maliit na mga labi. Maputla rin siya, sa tingin ko ay isa siyang bampira basi sa amoy ng kaniyang dugo. Isa lamang ang masasabi ko, sobrang ganda niya.

“Uh… miss? Are you okay? What happened?” napabalik ako sa ulirat nang magtanong muli siya. Winagayway niya pa ang kaniyang kamay sa aking harapan.

Nakaramdam naman ako ng pagkahiya dahil sa aking tinuran. Hindi ko pala namalayang nakatigtig na ako sa kaniya. Ang ganda kasi niya, hindi ko maiwasang mamangha.

“A-Ah… sumakit lang p-po ang aking l-likuran,” nauutal kong sagot. Bahagya pa akong umiwas ng tingin sa kaniya dahil sa pagkahiya.

Napaigtad ako nang hawakan niya ako sa braso. Medyo nag-panic ako. “Huminahon ka muna, Iha. Hindi naman ako nangangagat para matakot ka sa akin,” natatawang sambit niya na ikinahinahon ko ng kaunti. Nakakagulat kasi siya.

“P-Pasensya na po. N-Nahihiya lamang po ako,” mahinang sagot ko na mahina niyang ikinatawa.

“Ayos lang iyon, Iha.” Umupo siya sa katabing upuan ng aking kamang kinahihigaan.

“S-Sino po kayo? Ano po ang gagawin niyo sa akin?” nababahala ako dahil baka isa siya sa mga bampirang magpaparusa sa akin. Alam ba niya?

“I’m Nurse Angel and I will going to check you up,” nakangiting sagot niya. Check up?

“Po? Nurse? Check up? Bakit po?” takang tanong ko na ikinakunot ng kaniyang noo.

“Hindi ba’y nasaktan ka? You were covered with blood when the kids sent you here. And yes, I am a nurse. I will check you up to know if you are recovering or not,” sagot niya na tila ba ay na-w-weirduhan sa akin. Habang ako ay nakakunot-noo, hindi maintindihan ang kaniyang sinasabi. Nurse? Ano iyon? “Uh… you are in the clinic.”

Mabilis kong inilibot ang aking tingin sa paligid. Kumunot ang aking noo lalo nang makitang nasa loob ako ng isang silid na may napakaraming kamang nakahalira. Puti ang pader at kulay itim ang pintuan. May nakita akong kagamitan sa lamesa na nasa gilid ng aking kama. May gunting at hindi ko mapangalanang mga bagay dahil hindi ko alam kung ano ang mga iyon. Nakalagay sila sa isang lagayan. Tumingin ako sa kabela, may nakita akong mga bampirang nasa loob ng nakabilog na parang lamesa. Nakatingin silang lahat sa akin na tila ba ay sinusuri ang aking katauhan.

V. Academy (Completed)Where stories live. Discover now