CHAPTER 10 - THE PUNISHMENT
Chasey's POV
"Ma! Ano ba kasing nangyari? Bakit kayo sugatan? Sinong gumawa sa inyo nito?" Tanong ko kay Mami na kanina pa gising at hindi pa rin sumasagot sa mga tanong namin. Pang benteng tanong ko na yata 'to sa kanya pero ni isang salita wala kaming nakukuhang sagot mula sa kanya.
God! Minsan nakaka stress talaga ang mga nanay!
"Ma! Mag salita naman kayo! Sabihin niyo na sa'min kung anong nangyari?" This time si Kuya naman ang nag salita. At halata na ang inis sa tono niya. Tsk! Sino ba naman kasing hindi maiinis kung kanina ka pa tanong ng tanong sa kausap mo pero yung kinakausap mo, laging no comment lang? Para ka lang kumakausap sa hangin.
Ano ba kasing nangyari dito kay Mami? Napipi na ba 'to? Nabingi o ano?
Nag buntong hininga naman si Mami at dahan dahang tumayo sa sofang kinahihigaan niya. Tumingin siya samin ni Kuya bago nag salita. Walang kaemo-emosyon ang mukha niya! Grabe! Parang di siya nabugbog.
"Hindi niyo na kailangang malaman pa. Wala lang 'tong nangyari sa'kin compare sa--" Bigla siyang napatigil. "Nevermind." Tumayo siya kaya inalalayan namin siya agad ni Kuya.
"Pero Ma! Kailangan pa rin naming malaman! Diba walang lihiman? Kaya sabihin niyo na samin yung nangyari. Kahit yung gumawa lang sa inyo nito sabihin niyo sa'min." Pangungulit ko. I badly want to know what happened! Sobrang naiinis ako sa nangyari at gustong gusto ko gumanti sa gumawa nito sa nanay ko.
Sinamaan niya ko ng tingin. Senyales na kailangan ko ng tumahimik kung ayaw kong masaktan. "Chasey! Don't be hard headed! Ang sinabi ko ay sinabi ko. End of the conversation. Ayaw ko ng marinig pa na pinag uusapan niyo pa ang tungkol dito at dapat ay hindi ito makarating sa Papa ninyo, maliwanag?" Mariin ang kanyang pagkakasabi kaya wala na kaming nagawa kung hindi tumango. Kumawala siya sa pag kakaalalay namin sa kanya ni Kuya at dahan dahang nag lakad papunta sa kwarto niya. Tinitigan lang namin siya at ng tuluyan na siyang makapasok ay napabuntong hininga na lamang ako.
"Nagagalit siya na matigas ang ulo ko e kanino ko kaya namana ito?" Naiinis kong bulong at bumaling kay Kuya. Seryoso ang mukha nito at mukang may malalim na iniisip.
"Kung ayaw niyang sabihin edi tayo ang aalam." Sa sinabi ko ay bumaling ang atensyon niya sa'kin at nawala ang kanina niyang iniisip. Kunot na ang kanyang noo.
"Paano? May naiisip ka ba?"
I winked at him. "Akong bahala."
BINABASA MO ANG
The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)
Action(EDITING) [Genre: Humor, Action, Mystery/Thriller, Teen Fiction, Romance] A badgirl that is hidding her true colors by wearing a mask of a good girl. --- Highest Rank: #6 in Action - 043018