Chapter 29 - T201520thAUB

11.1K 292 10
                                    

CHAPTER 29 - THE 2015 20TH ANNUAL UNDERGROUD BATTLE

Part II

Erickha's POV

Habang nanonood kami sa madugong battle ng dalawang grupo sa arena ay hindi ko maiwasan na hindi sulyapan ng tingin ang Kuya ko pati na rin si Chasey. Natatakot ako sa mga pwedeng mangyari mamaya. Hindi ko alam kung ano ba talagang plano niya at ginagawa niya ang mga ito.

"Chasey, okay ka lang ba? Bakit parang hindi ka yata mapakali?" Napatingin ako sa direksyon nina Keith noong mag salita siya. Maski ang iba naming ka grupo ay napatingin din sa kanila. Akala siguro nila ay natatakot na si Chasey kaya siya ganyan, but no...alam kong may bumabagabag lang sa kanya.

"No. I'm okay. Don't mind me."

"Sigurado ka?" Tanong ko at nag thumbs up lang siya sakin sabay tingin sa mga taong nakapaligid sa'min. Okay, I get it.

I grab my phone in my pocket at tinext ko siya. What's bothering you? Alam kong may gumugulo sa isip mo kaya sabihin mo na.

I don't know. Hindi ko ma explain pero kinakabahan ako. Pakiramdam ko, anytime may mangyayaring hindi maganda. She replied at napatingin agad ako sa direksyon nina kuya Hiro, na ngayon ay nakatingin din pala sa direksyon namin. Particularly kay Chasey.

Oh my god. Hindi kaya...

Chasey's POV

Natapos na ang laban sa pagitan ng Black Snake at Chain Weepers. And what surprise me was, ang chain weepers ang nanalo! Akalain mo 'yun, nanalo sila sa pag iwas iwas lang sa mga atake ng kabilang grupo. Unbelievable.

"That's a good fight Black Snake and Chain Weepers Gang. Congratulations to the both of you! Chain weepers, you may now go to the president building to claim your prize and Black Snake, you may now go back to your assigned rooms for clean up." A female voice said. Halata ang inis sa mga mukha ng Black Snake pero hindi na lang nila pinahalata at nag diretso na sa likod ng arena kung saan nandoon ang bawat rooms at kung saan pupunta ang mga gangs after the fight para mag ayos at gamutin ang sarili.

Nag karoon ng sandaling katahimikan after mag salita no'ng MC na babae. Nakita ko siyang binulungan noong isang lakaki na nakasuit sa gilid niya, tumango tango siya habang nakangiti at lumayo na ito sa kanya. Tinapat muli ng babae sa bibig niya ang microphone at muling nag salita.

"Sorry to say but our next gangs which are Dark Scorpions and Tornic Tulips are out in this battle. President gave them an assignment to finish so... Death Wolves and Bad girls in Silence, this is your time! You two may now go down for formal introduction."

Fuck! Sabi na nga ba may mang yayaring hindi maganda eh. Shet! Hindi ko inaasahan 'to. Bakit ba kasi hindi ko naisip na pwedeng mangyari 'to? I'm sure by now, excited na siya sa mga pwedeng mangyari.

Napatingin ako sa direkyon nina Hiro, and he's just smirking at me. I gritted my teeth in annoyance. Patay ka sa'kin.

Kahit na gulat na gulat pa ay wala na kaming nagawa kung hindi bumaba at harapin ang Death Wolves. Pag kaline up namin sa gitna ay inabot ko agad ang kamay ko kay Hiro. Tumingin naman muna siya sakin bago abutin ang kamay ko. Nandoon pa rin ang ngisi niya kaya mas lalo akong nairita.

Inirapan ko siya at binawi na ang kamay ko.

"Alam mo, para sa isang kagaya mo, masyado kang mataray." Mataman ko naman siyang tiningnan. Bakit ano ba ang kagaya ko?

"At alam mo rin bang para sa isang kagaya mo, masyado kang maraming sinasabi?" Pagkasabi ko noon ay agad ko siyang tinuhod sa sikmura at noong mapayuko siya ay malakas ko siyang siniko sa kanyang batok dahilan para mapaluhod siya sa sahig. Sigawan ang narinig ko sa'king paligid. Marahil ay nagulat sa ginawa ko sa lalaking ito.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon