CHAPTER 13 - FRIENDSHIP
Chasey's POV
Nandito na ko sa coffee shop at hinihintay ko na lang yung pag dating ng tatlo. Hanggang ngayon ay hindi pa rin ako makapaniwala na magkapatid sina Erickha at Hiro! Hindi naman kasi sila magkamukha at hindi naman sila nag papansinan pag nasa school. They are both cold towards each other! Ni hindi nga sila nag tatapunan man lang ng tingin sa isa't isa. They acted as if both of them were just winds passing by! Tinatago ba nila sa lahat yung connection nilang dalawa? Pero bakit? Bukod sa isang dahilan na alam ko, ano pa bang pwedeng maging dahilan? Dahil ba sa top gangster si Hiro dito o may iba pa?
Nagulo ko ang buhok ko.
Argh! Ang gulo! Kaylangan talaga ipaliwanag ni Erickha ang lahat ng 'to.
Hindi rin naman nag tagal ay dumating na yung dalawa. Sina Keith at Ella. Umupo sila sa katabi kong seats at nakasimangot ang mukha nila pareho.
"Problema niyo?" Tanong ko. Umayos ako ng upo at saglit na tiningnan ang labas. Wala pa rin siya.
Inangilan naman ako bigla ni Ella at sinamaan ng tingin.
"Duh! Chasey! Duh! Alam mo ba kung anong oras na ha? 11 pm na! At sa mga oras dapat na 'to, natutulog na ko. Gosh! Na h-haggard na ang beauty ko sayo ha." Halos isigaw sa'kin 'yun ni Ella habang pinapaypayan ang sarili na mukhang naiinitan kahit naka aircon naman dito sa loob. Tsk! Inirapan ko na lamang siya at nag cross arms ako.
"May sasabihin kasi ako. At may kaylangan kayong malaman tungkol sa...kanya." Sabay turo ko sa pinto ng coffee shop kung saan kakapasok lamang ni Erickha. Good, now we're finally complete. Kating- kati na ko malaman ang totoo.
"Oh bakit, Chasey? May problema ba? Bakit mo kami pinapunta lahat dito? Biglaan naman yata." Bungad niya ng makita ako sabay tingin niya doon sa dalawa na ngayon ay busangot pa rin ang mga mukha at halos hindi na maipinta.
Hindi ko pinansin ang tanong niya instead ay tumayo ako at nag salita. I won't beat around the bush, I don't have enough time.
"Totoo ba?" Humarap ako sa kanya at tiningnan ko siya ng diretso sa mata. Ayoko ng pahabain pa ang usapan na 'to. Gusto ko na malaman agad ang totoo galing sa kanya at kung bakit niya tinago samin ang ganitong klaseng kabigat na bagay. Kaibigan niya kami! Hindi ba niya kami pinag kakatiwalaan?
Kumunot naman ang noo niya at mukhang nag tataka siya sa sinabi ko.
"Ang alin?" She asked, still confused.
"Totoo ba na kapatid ka niya?" I asked coldly.
Nabigla naman siya sa tanong ko at mukhang hindi niya inaasahan na itatanong ko 'to at alam ko ang tungkol dito. Umawang ang labi niya, nag hahanap ng mga tamang salita upang isagot sa'kin.
Let's see if she would still lie this time. If she'll deny this maybe there's really a big reason for this matter. Reason she couldn't say even to her best friends.
"A-ano bang sinasabi mo? Wala akong kapatid, alam niyo naman-" Hindi ko na siya pinatapos sa pag sasalita at agad ko siyang sinampal. Napatayo naman yung dalawa sa gilid ko at agad na hinawakan ang mga braso ko.
"C-Chasey..." Mahina niyang sinabi habang nakahawak sa pisngi niyang sinampal ko. Nanubig ang mga mata niya pero hindi ko iyon pinansin at sa halip ay tiningnan ko lamang siya. Ha! You deserved it Erickha. You deserved it.
"Erickha lokohin mo na lahat 'wag lang kami. Kasi alam mo namang ayoko sa mga taong man loloko at sinungaling. Kaya sige na, sabihin mo na sa'min ang totoo ngayon. Linawin mo na ang lahat sa'min ngayon." Mariin kong sinabi.
BINABASA MO ANG
The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)
Action(EDITING) [Genre: Humor, Action, Mystery/Thriller, Teen Fiction, Romance] A badgirl that is hidding her true colors by wearing a mask of a good girl. --- Highest Rank: #6 in Action - 043018