CHAPTER 43 - REAL REASON
Chasey's POV
Buong araw ay pinag iisipan kong mabuti ang mga sinabi ni Keith sa'kin. Make him jealous? Gagana kaya 'yun? Pero paano kung mali pala ko sa nga hinala ko? Pano kung nag a-assume lang pala ko at hindi naman talaga niya ko gusto? Edi napahiya ang beauty ko no'n? Papatayin niya rin ako sa asar panigurado.
Hay pota! Bakit ba kasi naging problema pa ito?
"Chasey, baka matunaw ang pagkain dahil tinitingan mo lang." Sita sakin ni Papa nang mapansin na tulala ako at bahagya lang na kumakain.
"Sorry po." Sumubo ako nang kaunti at nag decide na kalimutan na lang muna pansamantala ang mga iniisip ko. It's not healthy for me. Sabi na nga ba at hindi talaga maganda ang mga bagay na related sa love na 'yan sa sistema ko e. Kaya ayoko niyan e.
"Kamusta na nga po pala ang pakikipag usap niyo sa mga gangs? Pumayag na ba sila sa gusto niyo?" Tanong ko na lamang at tiningnan ko silang dalawa ni Mami. Kuya Chase on the other hand, who's sitting beside me then cleared his throat. Napainom pa siya ng tubig. Kumunot naman ang noo ko. May nangyayari ba na hindi ko alam?
"Right now we're still in the process of convinsing them. May ilang mga grupo na ang pumayag sa gusto naming mangyari, pero kaunti pa ang mga 'yun. Ang kailangan namin ay mapilit ang iba pa, lalo na ang mga kasama sa Top 10 MPG, para tuluyan ng maayos ang lahat." Paliwanag ni Mami. Marahan naman akong tumango.
I bet those who are still not agreeing to this new leadership are Klariel's loyal companions. Sigurado akong mahihirapan nga talaga kaming kumbinsihin sila na pumanig sa'min.
My parents and Tita Celestine are planning to rebuild the Gangster world. Rebuild, as in buuin ulit o kaya'y ibalik sa dati. The dividing of groups, the laws and regulations, and such na nawala way back Klariel's regime. At para magawa ang lahat ng iyon, kailangan ng suporta ng lahat ng gangs sa gangster world. We need to make sure na dapat hindi na mauulit pa ang mga kaguluhang nangyari ngayon.
In our world, gangsters are not just simply gangsters who punches people whenever they want. We are more like an assasins, pumapatay kami just because we think it's the right thing to do, not because of money and especially not because of hatred and insecurity.
We aren't planning to rule the world. We are helping it to be better.
Umakyat na 'ko sa kwarto ko matapos namin kumain. I collapsed on my bed and stared at my plain ceiling. Tinaas ko ang braso ko sa ere and motion my fingers in different figures. Ang buong akala ko pagkatapos ng gabing iyon ay wala ng magiging problema, lalo na't wala na siya, marami pa pala.
I sighed. Kailan ba aayos ang lahat?
"Chasey, can I come in?" Napabangon ako at napatingin sa pinto nang marinig ko ang boses ni Erickha. Anong ginagawa niya rito? Anong oras na, ah.
"Yeah, sure. Hindi nakalock ang pinto." Sabi ko.
"Hello, kamusta ka na?" Bati niya nang nakangiti sa'kin nang makapasok siya. Sinarado niya muli ang pinto sa kanyang likuran.
"Ito, ganito pa din." Matamlay kong tugon at nahiga muli.
"Bakit mukhang malungkot ka rin yata? Is there something wrong?"
"Hmm, wala naman. Bakit ka nga pala napadalaw dito? May kaylangan ka ba sa'kin?"
Umiling naman siya at umupo sa tabi ko. "Actually, tatanungin sana kita about kay Kuya Hiro."
"Huh?"
She sighed at pinag laruan niya ang mga daliri niyang nakapatong sa hita niya. "Lately kasi napapansin ko, madalang na lang siyang pumunta rito sa inyo. Lagi rin siyang parang wala sa sarili at lagi lang siyang nakakulong sa kwarto. Nag aalala na kami sa kanya nina Mama. Alam naming may problema siya na hindi niya lang sinasabi sa'min. I know you know na Kuya Hiro is not the type na open mag sabi ng problema niya. Mas gusto niya pang kimkimin ang lahat kaysa sabihin sa iba. So, I decided to ask you instead, since you're his bestfriend, baka alam mo kung anong problema niya."

BINABASA MO ANG
The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)
Azione(EDITING) [Genre: Humor, Action, Mystery/Thriller, Teen Fiction, Romance] A badgirl that is hidding her true colors by wearing a mask of a good girl. --- Highest Rank: #6 in Action - 043018