Chapter 34 - Near

10.3K 241 3
                                    

CHAPTER 34 - NEAR

Chasey's POV

"Whoa! Grabe! Hindi ko maimagine na mula sa maliit na barong barong niyo noon ay lumevel up ang bahay niyo at naging mansion!" Halos hindi makapaniwalang sabi sa'kin ni Ella nang dalhin ko sila dito sa talagang bahay namin kinabukasan. Alam ko naman kasi na mag tataka sila kapag binisita nila ang dati naming bahay at wala silang madatnang tao. Ayoko ng maraming tanong, madali akong mairita kaya mas mabuti pang ipaliwanag ko na sa kanila ang ilang nangyari.

"Maka barong-barong naman 'tong babaeng 'to, wagas! Ang harsh mo ha." Ani Keith at pinalo si Ella sa braso. Tumingin siya sa'kin. "Anyway, Chasey, paanong naging ganito kalaki ang bahay niyo in instant? Grabe! Linayasan mo lang kami noong isang araw tapos ngayon may ganito na kayo kalaking bahay. Tumama ba kayo sa lotto? Balato naman dyan." Tumawa siya at sinundot pa ko sa tagiliran. Umirap ako. Isa pa 'to. Kung ano anong pinag sasasabi. I don't know how can I explain to them what happened. Matagal na kaming mag kakaibigan pero hindi ko pa nakwento kahit kailan ang totoong estado ng buhay ko. I have the chance right now but I still have to leave certain parts of the story. They shouldn't know about it yet. I don't want them involve to this.

Erickha then sighed. Pumitas siya ng isang bulaklak sa garden namin bago nag salita. "Hindi siya tumama sa lotto Keith or what so ever na naiisip niyo na dahilan. Just so you know, before natin maging friend itong si Chasey, she was already rich. Binuhay lang siya ng mga magulang niya sa hirap dahil gusto nilang mamuhay si Chasey ng normal, just for once, dahil hindi na niya naranasan ang gano'ng buhay since that day came." Paliwanag niya ni hindi tumingin sa'min. She looks too serious. "I'm sorry kung hindi namin nasabi sa inyo agad. There's just things we need to consider first. I hope you understand."

Tumango na lamang ako sa sinabi niya. Good thing she's here.

Kumunot naman ang noo ng dalawa sa sinabi ni Erickha. I know na hindi nila naiintindihan, pero mas mabuti na 'yun. Kasi alam kong pag nalaman nila ang totoo about sa buhay ko noon, kung ano ang nangyari sa'kin...sa'min noon ay mag pupumilit silang makigulo. At ayoko silang idamay, magulo na ang buhay nila sa pag pasok nila sa mundo ko at ayoko ng dagdagan pa ang gulo na iyon. Ayoko silang mapahamak. Mas mabuti ng si Erickha na lamang muna ang nakakaalam dahil involve din siya rito. She lost her parents, because of that stupid damn woman and she wants justice for that. And as a friend, I promise her that I will help her, but in one condition and that is she will do the same for me.

"What do you mean, Erickha? I don't think I get you." Si Keith. Sumang ayon naman si Ella.

"Can't you just tell us the whole story? Ayoko pa naman sa lahat ay 'yung binibigyan ako ng ganitong clue tapos hindi naman pala sasabihin kung ano. Curiosity kills kaya!" Pagmamaktol niya.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon