Chapter 35 - The Rival's Plan

10.4K 256 6
                                    

CHAPTER 35 - THE RIVAL'S PLAN

Chasey's POV

JS Promenade? That sucks. Bakit ba kasi kaylangan may prom pa tuwing month of February? Hindi na lang nila isuspend ang klase, masaya pa.

"Buong week ay may practice kayo ngayon dahil next week na ang prom. Better bring your heels tomorrow para mapractice niyo na ang cotillion na nakatakong. Mahirap na baka magkalat pa kayo do'n at mapahiya lang ang batch niyo." Said our teacher at marami pa siyang sinabi pero hindi ko na inintindi. Wala akong balak umaattend. Maraming bagay ang kaylangan kong pag tuunan ng pansin ngayon kaysa sa lintek na prom na yan.

"The partnering will be announce later. At reminders okay, this prom is compulsory. Kung hindi kayo aattend, mag babayad pa din kayo, so mas mabuting umattend na lang kayo para masulit niyo ang bayad niyo." Tss. Palagi naman eh.

Inayos niya ang salamin na suot niya at niyakap ang mga librong dala niya. "That's all. You can take your break, now." At umalis na siya dala ang mga gamit.

Nag buntong hininga naman ako at umiling.

"Oy, Chasey attend ba tayo?" tanong sakin ni Keith, pumalibot na sakin yung tatlo habang nag aayos ako ng gamit.

"Ako, hindi. Kayo?"

Inakbayan ako ni Ella. "Hindi na din. Kapag hindi umattend ang leader, hindi na rin attend ang mga members. Diba, girls?" tamad naman na tumango si Keith pero si Erickha, walang respond. Nakatingin lamang siya sakin at mukhang may malalim na iniisip. Lumabas kami ng room, naunang mag lakad ang dalawa at nasa hulihan lang kami ni Erickha.

"Did you receive my text message last night?" tanong niya at tumango lang ako.

"We need to attend the prom, Chasey."

Napatingin naman ako sa kanya. Kunot noo. "Why?"

Ayoko. Hindi talaga ako mahilig sa party, napipilitan nga lang ako minsan na sumama sa mga ganong socialization night dahil pinipilit ako ni Mami. Badtrip nga e. Mag karoon naman daw ako ng buhay sa labas at 'wag iyong lagi lang ako sa loob ng bahay.

Like, seriously? Sobrang swerte niya na nga na nag karoon siya ng anak na kagaya ko. Matigas man ang ulo ko minsan at hindi nasunod, at least hindi ako kagaya ng iba na laging napapagalitan dahil laging nasa labas.

"Because if we don't, hindi lang tayo ang manganganib. Kung hindi pati lahat ng mga estudyante rito." She seriously said and my eyes immediately went wide.

"What?!" Hindi ko mapigilang isigaw kaya napatingin ang ilang estudyante sa gawi namin. Hinila ko agad si Erickha papunta sa gilid ng isang classroom. Sinilip ko muna sa bintana kung merong tao sa loob at nung nakasigurado na ko na wala ay muli ko siyang hinarap.

The Silent Type of Bad Girl (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon