Prologue

572 30 10
                                    



Adalia Gail Guiverra, mistress of Senator Villanuevo.

Nakatingin ako sa iPad na hawak ko. Panibagong issue na naman ang kumakalat tungkol sa akin. Napairap na lang ako at naiinis na ibinagsak ang hawak kong iPad. Lumapit naman agad sa akin si Nexxus.

"Adalia Gail Guiverra, mistress of Senator Villanuevo," basa ni Nexxus bago tumawa.

"Shut the fuck up, Nexus!" sigaw ko kaya naman mas lumakas ang tawa niya.

Nandito kami sa Batangas ni Nexus lalo't may upcoming kaming movie. Sunod-sunod ang taping ko, photoshoot, at interview. Sigurado akong galit na naman si Dad dahil hindi ako makakauwi sa birthday ng triplets.

Isa pa wala naman si Mauel doon e. Kung mapapauwi nila si Mauel ay pupunta ako. Handa naman akong i-cancel lahat ng appointment ko para kay Mauel.

Napatampal na naman ako sa noo ko dahil masyado akong na-inlove sa matandang 'yon.

"Hindi ka kinakabahan tungkol dito ah," tumawang sabi ni Nexus kaya mapairap naman ako.

"Why should I be nervous? I'm a Guiverra, Dad will definitely find a way to delete that useless issue, I'm his princess, you know," I said arrogantly.

Tama naman kasi ang sinabi ko. Paniguradong hindi papayag si Dad na tumagal pa ang isyu na 'yan. Palaging nasa likod ko si Dad at hindi hinahayaan na masira ang pangalan ko.

"Naririnig ko na agad ang sasabihin ng Dad mo sa mga tao niya para lang malaman kung sino na naman ang nagpakalat ng article na 'yan," tumatawang sabi ni Nexxus at naupo sa tabi ko.

Napangiti naman ako nang magkatinginan kami ni Nexxus.

"Lahat magagawa ng pera," sabay nating sabi ni Nexus at tumawa ng malakas.

Palaging gano'n ang sinasabi ni Dad kapag may mga fake news na lumalabas na dawit ang pangalan ko.

Nagagalit si Mom kapag sinasabi 'yon ni Dad pero dahil nga under ni Mom ang Daddy ko ay talo pa rin si Dad.

"Gail? Nexus? Nakaayos na ba kayo? Hinahanap na kasi kayo ni Direk," sabi ng staff mula sa labas ng tent namin kaya naman napairap ako.

"Halika na," sabi ni Nexus at inalalayan akong tumayo.

Sa ginagalawan kong mundo kabi-kabilaang paninira ang natatanggap ko. Madalas sabihin ni Mom na hangga't masaya ako sa buhay ko ay hindi ko dapat iniisip ang sinasabi ng ibang tao sa akin.

Well, I believe Mom. I know she has been through the  bashing I am going through now. I'm not a sweet little girl anymore, when I entered the showbiz world that's when I found out how messed up the world I entered was.

Nalaman ko ang nakaraan ng Mommy ko na dahilan kung bakit nagkasagutan kami ni Mom dahil hindi ko matanggap na pati ako ay nadadamay sa nakaraan niya.

Palagi kong nababasa noon sa comment box ang katagang hanggang ngayon ay kinamumuhian ko.

'Kung ano ang puno, siya rin ang bunga.'

Naging mistress ng Uncle ko si Mom. Nang malaman ko 'yon, pakiramdam ko naging awkward na pamilya namin tuwing nakikita ko si Uncle Giovanni.

I'm stubborn, that's true, but I'm not heartless. Nagkasagutan kami ni Mom tungkol sa pagiging kabit niya, na nahihiya akong naging Mommy ko siya. Bakit hindi? Bata ako no'n, masakit ang mga katagang lumalabas sa bibig ko.

When Mom and I had a fight and I saw her crying because of what I said... I witnessed how Dad when he's mad.

He shouted at me that day.

Kneel Mister (Trouble Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon