Enjoy reading, Sweeties
Slight...
Adalia Gail
"Cut!" sigaw ni Direk kaya naman agad akong humiwalay kay Nexus at pinunasan ang mga labi ko.
Ito na ang huli naming shooting at talagang naiinis ako dahil ilang beses pinaulit ang kissing scene sa amin ni Nexus. Ang ending paulit-ulit din kaming naghalikan.
Buti na lang ang nasa isip ko ay labi ni Mauel ang hinahalikan ko para naman mag-enjoy akong kahalikan si Nexus.
"Diring-diri ah," rinig kong sabi ni Nexus kaya inirapan ko siya.
"Congratulations, Miss Gail! Sir Nexus," bati ng mga staffs namin dahil naging successful ang shooting na kahit na dalawang araw na delayed dahil sa malakas na ulan ay kahit papaano ay natapos namin bago kami umuwi ng Pilipinas para sa final shooting.
Tatlong araw na lang ang binigay sa 'min ni Direk na maglibot dito sa New York dahil babalik na kami agad sa Pilipinas.
"Pinapasabi po ni Direk na dumeretsyo raw po sa Bar ng nakilala niya rito sa Brooklyn," sabi ng personal assistant ko na busy sa pagtatanggal ng light make up kong suot.
Napanguso naman ako lalo't inaasahan kong magkikita na kami ni Mauel agad kaso mukhang kailangan naming mag-celebrate. Hindi ko naman mahihindian si Direk lalo't baka ito na rin ang huli naming selebrasyon dito sa Brooklyn.
Napahawak na lang ako sa noo ko at inutusan si Kia, ang make up artist ko na ayusan ako ulit dahil hindi naman ako pwedeng walang light make up na suot. Kasi after ng kasiyahan siguradong mukha akong sabog.
Dapat magandang-maganda pa rin ako sa harapan ni Mauel. Paano ko siya paiibigin sa alindog ko kung mukha akong ewan sa mga mata niya?
Pasimple akong tumingin sa phone ko. Naka-full privacy screen protector naman ako kaya safe na safe.
Napangiti ako nang makatanggap ng mensahe mula kay Mauel.
From: Matanda
Hindi ka pa uuwi? Ang lamig ng kwarto ko, wala akong kayakap.
Kung kaya lang umabot ng ngiti ko sa tainga ay gano'n ang itsura ko ngayon. Tinignan ko ang oras mula sa cellphone ko at napanguso dahil 12am na pero hindi pa kami pwedeng umuwi.
Nakatulog naman kami kaninang tanghali dahil nga talagang gabi ang shooting namin para makita kung gaano kaganda ang Brooklyn kapag hatinggabi at hindi naman namin inaasahan na aabot kami sa ganitong oras.
To: Matanda
Yakapin mo muna 'yong unan ko. Hindi pa ako makakauwi... bar kami later. Celebration for successful shoot.
From: Matanda
Where? Sundo ako?
Napangiti ako sa tanong niyang 'yon. Agad kong tinanong kay Kia ang location ng bar at sinend 'yon agad kay Mauel.
To: Matanda
Masyado mo akong na-miss. Sabi ko sa 'yo e, hahanap-hanapin mo 'yong halik ko... lol.
BINABASA MO ANG
Kneel Mister (Trouble Series 1)
Romance"You ruined my life! So why would I kneel to someone like you?!" - Emmanuel Lorgan Del Perez