Chapter 2

318 27 4
                                    


Enjoy Reading, Sweeties

Adalia Gail

Napapikit ako at humithit sa hawak kong sigarilyo habang nakatitig sa nga bituin mula rito sa balcony ng guest room nila Mauel. Hindi ako sumabay sa kanilang kumain kanina dahil natatakot akong baka makakasalamuha ko si Hazel.

I don't want to see her face.

Maiinis lang ako kapag nakikita ko siya. Mula noong mga bata palang kami ayaw ko man aminin noon pero naiinggit ako sa kan'ya.

Bukas na ang simula ng shooting ko rito sa New York pero wala akong gana. Tila gusto kong bumalik sa Pilipinas upang muling mag-isip. Meron pa akong tatlong taon para pag-isipan ang plano ko.

Kapag kasi buo na ang desisyon ko na agawin si Mauel ibig lang sabihin no'n ay handa akong maging masamang tao para tuluyang magawa ang plano ko.

Nagulat na lang ako nang bigla na lang ay kumuha ng sigarilyong nakaipit sa mga labi ko.

"You are here in my house, you can't smoke here," he seriously said.

Hindi ko man lang namalayan na may pumasok sa loob ng kwarto na 'to. Gano'n ba kalalim ang iniisip ko at hindi ko naramdaman si Mauel?

Napairap ako sa hangin at sinubukang kunin ang nakalahati ng sigarilyo na hawak ni Mauel ngayon.

"Give it back to me," I said seriously too.

"Alam ba nila Daddy mo na naninigarilyo ka?" seryosong tanong ni Mauel at tumabi sa pagkakaupo sa 'kin.

Ayan na naman ang puso kong sobrang bilis ng tibok dahil sobrang lapit na naman ni Mauel sa 'kin.

"Malaki na ako," sabi ko na para bang 'yon ang sagot sa tanong niya sa akin. Hindi alam nila Dad na naninigarilyo na ako. Hindi ko naman kasi pinapaalam sa kanila dahil siguradong lagot ako kila Momma.

"You are still a ki—"

Hindi ko hinayaan na matapos ang sasabihin ni Mauel. 'Yon ang kinaiinisan ko, kaya nga pinilit kong maging matured dahil gusto kong hindi ako mukhang bata sa mga mata ni Mauel.

"Hindi na ako bata... huwag mo akong tratuhin na para akong bata, Mauel," malamig na sabi ko at tinitigan ang mga mata niya. Alam kong nakita niya ang galit na naglalaro sa mukha ko kaya naman umiwas siya ng tingin sa akin.

Nanlaki ang mga mata ko nang dinala niya sa bibig niya ang sigarilyo ko. Titig na titig ako kay Mauel dahil sa ginawa niya. Napalunok ako nang matitigan ko ang mamula-mula niyang labi.

"Pwes hanggang nandito ka sa puder ko... ayaw kong nakikita kang naninigarilyo. Hindi 'to maganda sa kalusugan mo," seryosong sabi niya.

Siya ang umubos ng sigarilyo ko kaya naman napahawak ako sa sintido ko.

"My stress reliever is smoking. When I smoke I feel like I can think straight... kung ayaw mo palang naninigarilyo ako, huwag kang bigla-biglang pumapasok dito para hindi mo ako makita," mahinang sabi ko kay Mauel. Nakita ko naman siyang napabuntong hininga bago pinatay ang baga ng sigarilyo ko at humarap sa akin.

"Hindi ka pa rin maninigarilyo sa bahay ko... kapag sa tingin mo stress na stress ka, kausapin mo lang ako," mahinang sabi niya dahilan kung bakit sarkastiko akong tumawa.

Kneel Mister (Trouble Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon