Chapter 1

365 17 4
                                    

Enjoy Reading, Sweeties

Adalia Gail

"Totoo bang naging babae ka ni Congressman De Jesus, Miss Guiverra?" tanong ng host sa isang noontime show na dinaluhan namin ni Nexus.

Mahinhin akong tumawa dahil sa tanong na 'yon ngunit nakakaramdam na ako ng inis sa mga oras na 'to. Live itong pinapanood kaya sigurado akong mawawalan ng trabaho ang host na nasa harapan ko ngayon.

Well, I have the best Dada.

Alam kong walang kasalanan ang host na 'to ngunit siya na naman ang sasalo ng galit ng ama ko dahil sa tanong niyang 'to.

"No," I said as a smirk played on my lips. I raised my eyebrow and looked at my long nails.

Saglit na nanahimik ang host sa harapan namin ni Nexus.

"My life story is a big deal in the media and because of the cameras focused on me, they forget the word respect in every article they publish about me," I said bored.

Tahimik lang si Nexus. Ang inaasahan kong tanong ay tungkol sa bago naming pelikula ni Nexus. Hindi ko naman akalain na bubukas ang isyu tungkol sa relasyon ko sa congressman na 'yon.

"Hindi ba dapat nakatutok kayo sa pagtatanong tungkol sa detalye ng pelukulang pinagbibidahan namin ni Dali?" tanong ni Nexxus bago siya sarkastikong tumawa kaya naman pasimple kong inirap ang mga mata ko sa hangin.

"Oh sorry," mahinang sabi ng host at nakita kong inilipat niya ang hawak niyang kopya ng mga tanong.

Siguradong galing na naman ang mga tanong sa management na may hawak sa noontime show na 'to.

Napapikit na lang ako ng madiin.

Simula nang makilala ako sa larangan ng pag-arte sa edad na labing walong taong gulang ay nakalimutan ko ng magpakatotoo sa sarili ko.

Tuwing nakaharap ako sa camera ay palaging kasinungalingan ang lumalabas sa bibig ko. Pati pagkatao ko yata ay alam ko na kung paano pekehin.

I never thought that my dream would become my nightmare now.

Hindi ko alam kung nasaan ang daan papalabas sa gulo ng mundo ko. Pakiramdam ko lahat ng kilos ko ay napapanood ng mga taong nasa paligid ko.

"Ang daming makikitid ang utak," malamig na sabi ni Nexxus bago niya sindihan ang sigarilyong hawak niya bago ipasa sa akin.

Smoking became my stress reliever. Pakiramdam ko sa bawat ubos ko ng stick ay nawawala lahat ng problema ko.

"Bukas na ang alis natin papuntang New York," mahinang sabi ni Nexus lalo't do'n naman gaganapin ang shooting namin.

"Hmm."

"Binabalaan na kita... huwag kang pumunta para makita si Uncle Mauel," mahinang sabi ni Nexus habang nakatingin sa 'kin.

Sa edad na bente dos ay parang sinalo ko lahat ng galit sa mundo.

"Makikinig ba 'ko sa 'yo? Sa tingin mo ba talaga ay magagawa ko pang dumalaw kay Mauel?" inis na tanong ko kay Nexus na abala sa pag-scroll sa iPad niya. Sa aming dalawa ay mas active siya sa social media.

Kneel Mister (Trouble Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon