Chapter 3

355 30 12
                                    

Enjoy Reading, Sweeties

Adalia Gail

Nagising ako nang may naramdaman akong yumakap sa 'kin at binaon ang mukha sa pagitan ng leeg at balikat ko. Biglang kumabog ang dibdib ko nang maamoy ko ang natural na mabangong amoy ni Mauel.

Tila kinapos ako ng hininga dahil sa ginawa niya. Naalala ko ang nangyari kagabi kaya naman napangiti na lang ako.

Nag-usap lang kami at ipinaliwanag niyang kaya na lang sila nagsasabi ni Hazel ay dahil kay Isla dahil 'yon ang hiling ng bata. Pagkatapos no'n ay sinabi niya rito na lang ako sa kwarto niya matulog dahil mukhang natatakot siyang sugudin ko si Hazel.

Nakangiti akong humawak sa braso ni Mauel na nakayakap sa akin at magaan na hinaplos ang braso niya.

Pakiramdam ko ay lumilipad ako sa ulap, para akong nananaginip lang. Ito ang pangarap kong mangyari. Parang ambilis pero masaya ako dahil may pag-asa na ako.

Parang magkakaroon ng 'Operation: Make him fall in love with me.'

Aksidente akong napatingin sa alarm clock ni Mauel. Hindi ko alam kung maliwanag na sa labas dahil natatakpan ng makapal na kurtina ang bintana rito sa kwarto ni Mauel. Sobrang dilim nga ng kwarto niya dahil kulay itim ang karamihan na gamit niya sa kwarto niya.

Tanging ang maliit lang na ilaw sa headboard ng kama ni Mauel ang nakabukas kaya kahit papaano ay may liwanag sa kwarto ni Mauel.

Napabuntong hininga ako nang makita kong alas singko na ng umaga.

Kailangan namin ni Nexus na makapunta sa location bago mag-alas sais.

Ayaw ko mang gisingin si Mauel ay dahan-dahan kong niyugyog ang balikat niya pero hinawakan ko ang magulo ngunit malambot niyang buhok.

"Mauel," mahinang tawag ko sa pangalan niya.

"Hmm..."

Napairap ako dahil mas hinigpitan niya lang ang pagkakayakap niya sa 'kin.

"Kailangan ko nang gumayak... may shooting ako," mahinang sabi ko at hinaplos ang braso niya.

"Kulang na kulang ka sa tulog ah," inaantok na sabi niya kaya napangiti naman ako.

Gustong-gusto kong nakayakap siya sa 'kin. Pakiramdam ko sobrang laya naming gawin 'to dahil hindi 'to mali. Parehas kaming single kaya pwedeng-pwede.

"Mauel..."

Dahan-dahan namang lumayo sa 'kin su Mauel at nakita kong titig na titig siya sa kisame na tila malayo ang inisip.

Umupo ako at sinubukan na tumayo kaso hinawakan ako ni Mauel sa braso ko. Nagtataka naman akong tumingin sa kan'ya.

"Pwede kitang ihatid?" mahinang tanong niya sa 'kin. Ngumiti naman ako bago umiling. Hindi pwede, mainit pa ang mga mata sa 'kin ng media. Hindi ko gusto na madamay ang kahit na sinong malalapit sa 'kin. Pati nga sila Eldest ay hindi ko hinahayaan na makitang magkakasama kami.

Kahit hindi nila sabihin... alam kong ayaw nila ang mga mata ng media.

"Baka gawing isyu pa ang paghatid mo sa 'kin," mahinang sabi ko sa kan'ya at mukhang nauunawaan niya 'yon.

Kneel Mister (Trouble Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon