Enjoy Reading, Sweeties
Adalia Gail
Ang lakas pa rin ng ulan kaya hindi kami nakalabas. Hindi rin natuloy ang shooting ngayong araw dahil sa malakas na ulan.
"What do you want to watch?" Nexus asked.
Nandito kami ni Nexus sa kwarto niya dahil kakatapos din ng live naming dalawa.
Hindi talaga ako makakagala ngayong araw dahil sa lakas ng ulan kaya naisipan na lang namin ni Nexus na manood na lang ng movies.
"Vlog tayo," sabi ni Nexus at tumingin sa akin.
"Blog?"
"'Di ba sinabi ko na sa 'yo na balak kong mag-vlog? Sa tingin ko magandang magsimula ang vlogging career ko rito sa New York," sabi ni Nexus.
Umirap na lang ako bago magsalita, "Wala kang magandang camera."
"'Yong camera mo," sabi niya kaya naman agad akong napataas ng isang kilay.
"Hoy! Baka nakakalimutan mo kung gaano kamahal ang camera ko," inis na sabi ko kay Nexus.
"Mayaman naman kayo e. Ano nga ulit tatak no'n para makabili ako?"
"Camera ZV-1F," I whispered. Mahilig talaga ako sa camera lalo't kailangan na maganda ang mga pino-post ko sa mga social media platform. Ayaw ko ng basta-basta na letrato.
"Paheram na muna," sabi ni Nexus kaya wala akong nagawa kundi kunin ang camera ko upang ipaheram kay Nexus.
Nakita kong masaya naman siyang kinakalikot ang camera ko nang iabot ko sa kan'ya. "Ano namang nilalaman ng film mo ngayong araw? Ang lakas-lakas ng ulan."
"A day in my life," he whispered. "Doon naman halos nagsisimula mga blogger, 'di ba?"
"Aba malay ko sa 'yo," mahinang sabi ko kaya tumawa lang si Nexus. Gusto ko na lang talagang tumambay sa opisina ni Mauel kasama siya o kaya sa kwarto niya dahil ang bango-bango ng kwarto ni Mauel. Napaka-peaceful.
Nagsimulang mag-set up si Nexus kaya ang ginawa ko ay naghanap na lang ng palabasan na pwedeng panoorin.
"What if reaction video na lang ang gawin mong content ngayong araw? Maulan ngayon, pwede kang mag-start mag-film bukas then isingit mo 'tong reaction video mo sa pelikulang kalalabas lang natin 'di ba magandang promotion 'yon?" tanong ko dahil gusto ko rin talagang suportahan si Nexus sa ninanais niyang gawin.
"Okay! Mabuti pa nga," mahinang sabi niya bago inayos ang camera ko. Muli kong binuksan ang bag kung saan ko nilagay lahat ng camera na dinala ko rito sa New York at inabutan si Nexus.
"Mas maganda kung iba-iba ang angkulo," mahinang sabi ko.
"Sa ating dalawa mukhang may mas alam ka pa sa vlogging, simulan mo na rin kaya 'to," mahinang sabi ni Nexus pero umirap lang ako.
Nagsimula kaming panoorin ang pelikula namin ni Nexus. Sunod-sunod kasi ang project namin, itong pelikula na 'to ay nakakalabas lang last year. Dito mas uningay ang love team namin ni Nexus.
'Meeting You in The Queen Province of the North'
Naka-focus lang ang kwento sa buhay sa probinsya ng isang lalaki at nakilala lang siya ng babae dahil sa pagtatago nito sa kan'yang mga magulang dahil ipapakasal siya sa hindi niya kakilalang lalaki. Sa Isabela halos tumakbo ang buong storya. Ang langit-lupang sitwasyon nilang dalawa ng nagbigay ng conflict sa palabas.
"Gustong-gusto ko talaga ang province ng Isabela," Nexus whispered. Nasa kalagitnaan na kami kung saan kailangang mamili ng bidang babae which is ako kung mananatili pa ba ako sa Isabela o iiwan ang lahat ng mga mga alaala namin nila ni Nexus sa Isabela.
BINABASA MO ANG
Kneel Mister (Trouble Series 1)
Romance"You ruined my life! So why would I kneel to someone like you?!" - Mauel