| Baybayin |

128 0 0
                                    

| Baybayin |

Nais kong tumungo sa baybayin,
at baybayin ng tingin ang malapit na bangin
Ngayon ay nagtatampisaw sa dagat ng isipan.
Kung magpapakalunod sa kailaliman,
o ibabaon ang sarili sa buhangin ng dalampasigan.
Dahil doon nananahan ang sigla ng nakaraan.

Nawa'y alunin papalayo ang sakit ng pagkabigo.
hahayaang magpatangay sa hangin dahil litong lito,
O'di kaya'y hahanap ng ruta papalayo.
sapagkat naiisip pa ring huwag humantong sa dulo iyong pagtatalo.
Nais mang ilihis ang isip sa wangis ng gulo,
at ibaling ang tingin sa ibang anggulo.

kumakatook pa rin sa pinto ang durog na pagkatao.
Ang bisitang humihila sa akin papalayo,
sa larawan ng saya, bagkus dinadala ako sa delubyo.
at pinipilit akong sumayaw sa indayog ng bayo.

Kaya nais kong bumisita sa baybayin.
doon babaybayin ko ng ting ang malapit na bangin
sa may dagat magpapakalunod hanggang maubusan ng hangin.
upang mabaon sa kailaliman at maalala ang kaisiyahan,
na minsang dumalaw.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 26, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Letter for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon