Kailanman ay Di Kita Iiwan

119 3 1
                                    

Kamusta kaibigan?
Di mo na ba talaga ako kailangan
Kung kayat akoy di mo ba kinakausap?
Samantalang ako makita ka anv aking pinapangarap.

Naaalala mo pa ba ang mga salutang iyon binitawan
Na sabi mo ay kailanman ay di mo ko iiwan
Na hindi mo ako pababayaan
Na hindi mo ako hahayaang mag-isa kailanman

Ngunit itoy aking di maramdaman
Pagkatapos ng iyong litana ikaw ay nawala at di ko na nakita kailanman
Ngayon ko lang napagtanto na ako ay nilagay mo sa kulungan
Na kung saan ang mga rehas ay ang iyong mga pangakong hindi pinanindigan

Doon sa malamig na piitan
Kumapit ako sa mga pangakong iyong binitawan
Hinidi ako naniniwala na akoy iyong nilisan
Dahil ikaw ay aking pinagkakatiwalaan

Ngunit di ko inakala na muli kitang makikita
Nakita kita ng may kasama at hindi ka nag-iisa
Nahiya akong lapitan ka
Tiningnan kita
Gayundin ang iyong ginawa
Ngunit ang saya ay di ko nakita
Sa halip napalitan ito ng pagkabigla na rumehistro iyong mukha
Di nako lumapit pa sayo
Dahil ramdam ko ng sanay ka ng wala ako

Tumakbo ako palayo
Ngunit pagtingin ko sa likod wala ni anino mo
Masyado akong nabihag sayong mga salita
Masyado kong nagpadala sa lumalabas sayong bunganga

Nasaan na ang iyong mga pangako
Pangakong di ko naisip na mapapako
Nandoon nakakulong sa ating mga alala
Na ngayon ay alam kong limot muna

***

Words by:redeeagle

My Letter for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon