Ikaw sa Bawat Araw

2.4K 25 0
                                    

| Ikaw sa Bawat Araw |

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

| Ikaw sa Bawat Araw |

Sa bawat liriko ng kanta
Ikaw ang naiisip sinta
Bawat bagay na nakikita
Ikaw ay siyang naalala

Sa paghabi ng mga araw
Walang oras na di ka hinagilap
At habang lumulubog ang liwanag
Sa bintana'y nagbabaka sakaling makita kang kumakaway

Sa pagpikit ng mga mata
Pinapangarap na sa panaginip, makita kita
At doon sasabayan mo ulit ako sa pagtawa
Itatanong kung ang araw ko ba ay maganda

Ngunit alam kong hindi, kaya sa mga bituin sisilip
Baka makita ko ang iyong imaheng nasasabik
Sa gitna ng dilim,
Hinihiling na yakap mo ang magpainit sa akin

Walang araw na lumipas
Na ikaw ay hindi umalis sa isipan
Bawat segundong nagdaraan
Hinihiling na kausapin mo na ko ng tuluyan

At sa pagsapit ng bukang liwayway
Panibago na namang pakikipagsapalaran
Nang wala ka saking tabi mahal
Pero hindi parin ako bibitaw

Umaasang ako'y babalikan
Muling hahagkan
Hahawakan itong mga kamay
At sasabihin na ako'y iyo paring mahal

Oo marahil ay isang katangahan
Dahil nangangarap parin ng kaganapan
Na kung saan
Tayong dalawa ang siyang nasa altar

Isang lugar na malabong mapuntahan
Pero wala, ikaw parin ang gustong kahahantungan
Na sa dulo ng kwento ikaw ang siyang aabangan
At kukunin ang malalambot mong mga kamay.

My Letter for YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon