| Papaniwalaan ko |
Naniniwala ka ba na kapag nagbilang ka ng siyam na bituin sa siyam na sunod sunod na gabi ay matutupad ang hiling mo?
Naniniwala ka ba na kapag saktong pagtingin mo sa orasan ay apat na uno ang makikita ng mga mata mo
Ay tutuparin nito ang kung ano mang binigkas ng mga labi mo?
Naniniwala ka ba na kapag pinagkrus mo ang mga daliri mo at umusal ng mga salita ay mangyayari ito?
Ilan lamang sa mga paniniwalang itinanong mo sa akin noon
Nakaupo tayo sa damuhan habang tinitingnan ang mga bituin sa langit na waring karagatan dahil sa ulap na nagbibihis alon
Mabilis akong tumango dahil galing iyon sa iyo
Pero ang totoo, wala ni isa roon ang pinaniwalaan ko
Ayoko lang masaktan ang tulad mo kapag nagpakatotoo ako
Ayoko lang na mauwi sa pagtatalo at pagsasalpukan ng mga paniniwala at siyantipikong eksplenasyon ang gabing yaon
Ang tanging gusto ko lang ay makita kung gaano kaganda ang mukha ng katabi ko sa sandaling iyon
Naalala ko pa mahilig kang magkwento sa akin ng mga kakaibang istorya, yung mga mahika at mga engkantada
Lahi pa tayong nagtatalo dahil matanda ka na pero naniniwala ka pa
Pilit kitang pinapaliwanagan na nabubuhay sila sa imahinasyon
Na walang ganoon-
Hindi mabubuhay sa mundong ibabaw
Sa libro lamang makikita at mababasa ang ganung nilalang
Lagi tayong nag-aaway
Pero nauuwi rin naman sa lamabingan bago lumubog ang araw
Tanda ko pa noon na lagi kang nagkukwento at nagtataka kung paano makontrol ang panaginip
Nang sa gayon ay madalaw mo ko kapag tayo ay iidlip
Doon maglalakbay tayo sa mundong kinatha at gagawa ng pamilya
Isang mapaglarong panaginip
Na pinaniwalaan kong pilit
Pagod na kase kong makipagtalo
At tsaka ayoko narin ng gulo
Kaya ngumiti nalang ako at tumango
“Oo, sige na pag-aralan mo”
Tanda ko na iyon pa ang tugon ko sa iyo
Ngumiti ka at sumang ayon, sinabing “Sige ba para sayo”
Tanda ko rin ang mga araw na binabasahan mo ako ng libro
Nang mga mangkukulam at mahikero
Tanda ko pa kung paano mo biglasin ang mga katagang kakaiba sa pandinig
Tanda ko pa kung paano mo iwasiwas ang patpat at umaktong nasa matinding paghihirap
Tanda ko pa ng bumili ka ng roba
At sinabing mawawala ka sa tuwing isusuot mo ito, mawawala na parang bula
Lagi kitang pinagtatawanan
Hindi dahil sa ikaw ang aking kasiyahan
Kundi para kang bata kung umasta.
Pero lagi mo itong binabalewala_
Pero isang araw, tinanong mo uli ako
“Naniniwala ka ba sa engkanto, sa mahikero at mga elemento?”
“Naniniwala ka ba na kapag humiling ka sa bulalakaw ay magkakatotoo ito?”
“Naniniwala ka ba sa nga pinagsasasabi ko?”
Tumingin ako sa mga mata mo, at napagtanto
Maniniwala akp basta galing sa iyo.
Wala akong pake kung hindi ito totoo,
Wala na akong pake kung ano ang sbaihin ng ibang tao.
Paniniwalaan ko ang mga paniniwalang ito_
Dahil sinabi mo,
Pinakita mo sa kin na totoo ito.
Binuksan mo ang aking mata sa kakaibang mundo,
Sa mapaglarong mundo
Sinama mo ako sa pglalakbay mo sa mga libro
Hindi mo ako iniwan sa byahe mo,
Papaniwalaan ko rin kahit pa sabihin mong nakakakita ka ng multo
Kahit hindi hindi ito totoo,
Mahal kita at iyon ay totoo
Paniniwalaan ko ang nilalabas ng mga labi mo
Dahil ikaw ang babae ko.
Dahil ikaw ang mahal ko.
BINABASA MO ANG
My Letter for You
PoetryThe truth behind my smile. The real me whose cover behind the mask. Those depression that I wrote,was like a sheet of paperwork. A collection of my poem that might suits to your feeling.