Bagong Taon
Sa paglipas ng taon
Sabay ibabaon
Mga sugat na dulot ng kahapon
Na syang dahilan kung bat nasaktan noonSa pagsapit ng bagong araw
Aking kakalimutan
Mga pangit na kaganapan
Tatanggapin ang kasalukuyan
At hindi na magpapaalipin sa nakaraanBago matapos ang buwan
Akin nang tatalikdan
Mga gawing nakasanayan
Na kinainisan ng iilanUpang pagsapit ng bukang liwayway
Mga ngiti at tawa sa mukha ko'y lalapat
Tanging mga galos nalang ang mababakas
At hindi na ang paghihirap at pagpapanggap na aking dinanas.
BINABASA MO ANG
My Letter for You
PoetryThe truth behind my smile. The real me whose cover behind the mask. Those depression that I wrote,was like a sheet of paperwork. A collection of my poem that might suits to your feeling.