Zera Gabriel James
"Uhmm??" inis na naimulat ko ang aking mga mata dahil nagising ako sa sunod sunod na ingay na nanggagaling ngayon sa cellphone ko, senyales na may tumatawag.
Mas lalo lang akong nainis nung agad na bumugad sa akin ang pangalan ng taong baliw na palaging naninira ng araw ko.
Si mareng Eq lang pala ang tumatawag. Ano na naman kayang kailangan ng baliw na ito sa akin ngayon, hmm?
Sana lang ay maganda ang sasabihin niya or kahit may nagbabaga man lang siyang chismiss sa akin ngayon dahil kung hindi makakatikim talaga siya sa akin ng mag asawang sampal.
"Oh, ano?" inis kunyari na sagot ko sa tawag niya, rinig ko ang malalim na bugtong hininga niya sa kabilang linya.
["Nasaan kana?!"] medyo nagulat pa ako nung bahagya siyang sumigaw after niyang bumugtong hininga, mukang mas inis pa siya sa akin ngayon.
Ang init naman ng ulo nitong si baliw, bakit naman kaya? Walang sex?
"Ha? Nasa condo ako ngayon, kakagising ko nga lang ee. Hindi pa sana ako magigising kung hindi ka lang abala, anyway bakit ba?" mahabang sabi ko pa at ipikit muli ang aking mga mata.
Gusto ko pang matulog ulit, nakakapagod yung mga nangyari sa akin kahapon-i mean kaninang madaling araw. Kailangan ko talagang malaman kung sino yun.
["Tanginamo talaga, nakalimutan mo ba?"]
Sa tono ng boses niya ngayon ay parang mas nainis pa siya sa sinagot ko sa kaniya. Bakit na naman?? Ang kapal talaga ng mukha nito. Inis na naimulat ko muli ang aking mga mata.
"Ang alin?" takang tanong ko sa sinabi niya.
Shuta, wala naman akong naalala na may usapan kami na may lakad kaming dalawa ngayon ah?
["Nandito na, nandito na siya."] saglit pa akong napaisip sa sinabi niya at ganon nalang ang panlalaki ng mga mata ko nung maalala ko na may lakad nga pala talaga ako ngayon.
Hindi ko na siya sinagot pa at agad na pinatay ko ang tawag niya bago dali daling bumangon na. Mabilis na naligo at nag asikaso lang ako dahil alam kong kanina pa siguro ako nila inaatay. Bakit nga nawala sa isip ko? Tangina naman.
Pagkatapos kong mag asikaso ay wala na akong kain kain na lumisan sa aking condo. Nagmamadali na ako ee, saka isa pa nawalan na ako bigla ng gana nang maalala ko ang tunay na pakay ko ngayong araw.
Nakakapanglambot.
Hindi ko na alam pero bakit ganon? Parang ang unfair naman ata ng mundo? Ang unfair ng mundo sa kaniya, sa kanilang dalawa. Parang mas masayang mamayapa nalang din at sumunod sa kaniya dahil atleast kahit papano kapag ganon ay tahimik na ang lahat para sa akin, matatahimik na ang buhay ko.
Wala na yung lungkot, yung pangungulila.
Haysss.
Mabilis na nakarating naman agad ako sa aking pupuntahan, buti nalang walang traffic. Agad na bumababa ako sa aking sasakyan at pagak na natawa nalang dahil mula dito sa aking puwesto ngayon dito sa labas ng bahay nila Jeremiah ay nakikita ko na siya.
Bakit?
Ang daya mo naman ee.
Nakailang bugtong hininga pa ang nagawa ko at ilang beses ko pang pinag isipan kung tutuloy pa ba ako, parang ang hirap. Parang ang hirap paniwalaan.
Nakakasama ng loob.
"Zera, anak." dahan dahan akong napalingon sa aking gilid nung marinig ko ang boses ni mama, nakita ko pa na malungkot na nakangiti siya sa akin.
![](https://img.wattpad.com/cover/315005114-288-k574752.jpg)
YOU ARE READING
Love The Way You Lie
Random4 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin. Thank you!