"Nandyan na yung step-sister niya." rinig ko ang sabi ni Silviana kaya naman naramdaman ko ang agad na paglingon ni mareng Eq.
Nakita ko din ang nakabusangot na mukha ni Caleb habang nakatingin sa akin bago ako mag iwas ng tingin at kumain nalang.
"Ano sugudin na ba natin?! Gago siya-Ay, potangina! Binabawi ko pala ang lahat ng mga sinabi ko kanina! Caleb tignan mo-tignan mo ang nakikita ko!" animong hindi makapaniwalang bulalas ni Eq.
Napatingin naman ako sa kaniya at napailing nalang ako nang makita kong halos lumuwa na ang mata niya dahil sa panlalaki nun. Ganon na din ang itsura ni Caleb ngayon habang hawak hawak pa rin ni Eq ang mukha nito, mukang pwersahan siyang iniharap sa kung saan. Narinig ko din ang singhap nung katabi ko.
Napatingin naman ako sa kung saan sila nakatingin ngayon. Si Sazch lang pala na inaalalayan ngayon nila madam Russell at ng kapatid niya sa paglalakad. Anak ng puta, mukang nalumpa na talaga siya ng tuluyan ah? Hindi ko mapigilang mapangisi ngunit agad din iyong nabura nung makita ko na nilingon niya ang puwesto ko. Hindi ko mabasa ang iniisip niya ngayon ngunit sa akin lang talaga siya nakatingin habang naglalakad.
Pinagmasdan ko din siya ng maigi, mula ulo hanggang paa at hindi ko tuloy mapigilang makonsensya ngayon. Talagang halata sa kaniya na nahihirapan siya, halata yung mga pasa niya at yung iba doon ay nagkulay violet na.
Kawawa naman ang baby na yan.
"Gago ka? Anong ginawa mo dun, Zera?!" gulat na gulat na binalingan ako ng tingin ni Caleb.
"Wala ah." umiling iling pa ako sa kanilang tatlo na animong isa akong inosente para paratangan nila.
"Pambihira ka talagang hudas ka!"
Napailag kaagad ako nung makita ko na ibabato sa akin ni mareng Eq yung manok na nasa harapan niya. Hindi ko mapigilang matawa sa itsura nilang tatlo ngayon na akala mo ay mga trinaydor ee, wala naman akong sinabi na kahit ano kanina diba? Hilig kasing mag isip ng kung ano ano tapos mga magmumukang tanga sa huli.
"Akala ko pa naman ikaw yung kinawawa, kinampihan pa naman kita kanina tapos makikita ko na mas malala pa ang ginawa mo sa kaniya-gago ka talaga!" bulalas pa rin ni Eq, hindi ko na nailagan yung kutsara na binato niya sa dibdib ko kaya inis na tinignan ko siya.
"May sinabi ba akong kampihan mo ako?" tinaasan ko siya ng kilay ngunit ang gaga ay tinaasan din ako ng kilay.
Natahimik na ang lahat, pati na din kaming magkakaibigan nung magsimula nang magsalita na yung isang birthday girl sa harapan. Seryoso siyang nagsasalita sa harapan ngunit nasa akin pa rin ang tingin niya na syang ikinangisi ko. Malanding napakagat labi ako at malanding kinindatan din siya kaya bigla siyang inubo habang namumula, lumapit naman agad ang daddy niya sa kaniya at bumulong. Hindi na niya ako ulit tinignan pa hanggang sa matapos siyang magsalita sa harapan.
Nagpasalamat lang siya at kung ano anong sinabi na hindi ko maintindihan.
"Nakita ko yun." natatawang nilingon ko yung katabi ko nung bumulong siya sa akin.
"So?" nanliliit ang matang nakipagtitigan siya sa akin.
"May gusto ka sa kaniya?" biglang tanong niya maya maya kaya hindi makapaniwalang tinignan ko siya.
"Yak, Straight ako!" natatawa pa ring hinampas ko siya sa balikat nung animong hindi siya naniniwalang nagkibit balikat.
"Hoy, Zeratot! Tawag ka sa harapan!" bulong na sigaw sa akin ni Eq kaya napatingin agad ako sa harapan at halos magpalamon na ako sa lupa ngayon dahil sa kahihiyan.
Halos lahat na ata ng mga tao na nandito ay mga nakatingin na ngayon sa puwesto namin, mga nakatitig pa ito ng malala sa akin at parang yung iba pa sa kanila ay hinuhusgahan ako kung makatingin ngayon sa akin ee. Nahihiyang napangiti nalang ako sa kanila at nagsimula nang maglakad papunta sa harapan kung nasaan sila mama na ngayon ay tinatawanan na ako kaya inis na napairap ako sa kaniya.
YOU ARE READING
Love The Way You Lie
Diversos4 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin. Thank you!