Sazch Ysla Astoveza Juarez
"Pinapatawag mo daw ako?" He nodded slightly, and I sat across from him even without his consent.
His table was the only thing separating us. I'm here now at one of my Daddy's companies here in Manila. I'm not sure why he can't just text or call me instead of having to call me to his staff.
He could not even smile at me when he saw me, indicating that he was struggling with a major issue. At once he scowled as he pulled out a large envelope. Once he handed it to me, I accepted it. Upon seeing the photographs therein, my eyebrows instantly met.
What the hell is this?
"Kahapon lang nangyari ang lahat ng mga iyan, pare-parehas pa ng oras. Hindi ko pa alam kung sino ang nasa likod ng mga kagagawang iyan ngunit hindi ko ito mapapalagpas, alam mo yan. Tatlong malalaking kompanya ko pa talaga ang sinunog sa iisang araw lang! Hindi na ito makatarungan!" he shouted so furiously kaya agad napatakip ako ng aking tenga dahil sa lakas ng boses niya.
"Maybe one of your enemy?" rinig ko naman ang animong namromroblemang bugtong hininga niya, mukang pinipigilan lang niya ang galit na namumuo sa loob niya ngayon sa kaniya.
Napatingin akong muli sa mga larawan at napaisip, ngayon lang may nangyaring ganito. Ngayon lang na para bang may sumusubok na ngayong kumalaban sa aking ama, sa amin. Hindi nila kilala ang binabangga nila, sisiguraduhin kong magbabayad kung sino man ang nasa likod nito.
Nakakapagtaka lang kung paano nila nagawang mapagsabay sabay yung tatlong malalaking kompanya ni daddy, isa dito sa luzon, isa sa visayas at isa sa mindanao. Sabi nga niya, pare-parehas pa ng oras. Kung ganon, hindi lang basta basta ang kumakalaban sa amin ngayon.
"Ako na ang bahala." napapailing na sabi ko sa kaniya, mukha siyang pinagbagsakan ngayon ng langit at lupa.
Nakatingin lang ako sa kaniya habang inis na inis niyang hinihilot ang sintido niya, inaatay ko lang kung meron pa siyang sasabihin para makaalis na ako ng tuluyan.
"Hanapin mo kung sinong lapastangan ang may kagagawan nito at iharap mo sa akin... ng buhay." I simply nodded, and he motioned for me to go, which I did right away.
Lumbas na ako ng opisina niya habang dala dala itong malaking envelope, kailangan kong alamin sa lalong madaling panahon kung sino ang lapastangan na kumakalaban ngayon sa amin dahil alam kong anytime lang ay sasabog na yang tatay ko, hindi yan mapapakali dahil yung malalaking company niya ang napagtripan. Habang nasa kalagitnaan ako ng aking paglalakad ay bigla kong nakasalubong si Margauz, she immediately smiled when she saw me.
"Hi, bff." she greeted me but I ignored her at nilagpasan lang siya.
Naramdaman ko namang sinundan niya parin ako kaya walang buhay na napairap ako sa kawalan. Nagawa pa niya talagang kumanta kanta habang nakasunod sa aking likuran at panay pa ang bati sa mga taong nadadaanan namin. So annoying, ang kulit talaga.
"Well, I think nabalitaan mo na ang nangyari? sinabi na ba sayo ni tito? Uhm, gusto ko lang namang sabihin sayo na baka medyo mahirapan ka ngayon sa kung ano mang misyon mo ngayon." I heard what she said, I didn't look at her and continued walking but I can feel na nakangisi siya even though I can't see her.
"Why?" kunyaring walang interes na tanong ko sa kaniya kahit madami na talagang bumabagabag ngayon sa akin.
"Walang kahit isang cctv sa lahat ng lugar na pinangyarihan ang makakapagturo sayo kung sinong may kagagawan ng lahat. Buong lugar, sira ang lahat ng cctv, sinira na nila bago pa mangyari ang trahedya. Magaling silang mag plano, alam nila kung kailan sila aatake." mukang humunga pa siya sa kalaban namin na siyang ikinairap ko na naman.
YOU ARE READING
Love The Way You Lie
Разное4 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin. Thank you!