Trigger warning:
This chapter may contains graphics depictions of sexuality and nudity.------
"Bye, Ma'am!" tanging tango nalang ang nagawa ko bilang pagtugon sa paalam ng ilang mga studyante ko dahil abala ako ngayon sa pag aayos ng mga gamit ko.
Kakatapos ko lang sa mga morning class ko at ngayon naman ay oras na ng lunch time. Meron pa akong klase mamayang hapon, may 2:00- 5:00 pm pa akong schedule. Sa morning class ko ay ang mga grade 10, sa hapon naman ay ang mga grade 8.
Hindi naman lahat ng grade 8 ay hawak ko, iilan lang sa mga section. Sa grade 10 naman ay halos kalahati din ata ng mga section ay hawak ko.
Habang naglalakad ako pabalik ng faculty ay may naaninag ako mula sa hindi kalayuan na isang pamilyar na bulto ng isang lalaki. Naroon siya sa may tapat ng pinto ng faculty namin at mukang may inaantay.
Ano naman kayang ginagawa ng isang ito dito?
"Julius." agad na pagtawag ko sa pangalan nito nung makumpirma ko na siya nga iyon.
Nakangiti naman itong nilingon ako, napangiti nalang din ako at mabilis na lumapit sa puwesto niya. Lalo atang pumogi ang lalaking ito, ang ganda din ng pormahan niya ngayon.
May date ata.
"Kamusta? Gumanda ka ata lalo ah." agad na bungad na pagbati nito ng makalapit ako sa kaniya.
Napairap nalang ako ng palihim at kunyaring ngitian siya ng matamis. Ata daw ee, so hindi siya sure na gumanda talaga ako? Saksakin ko kaya ang gagong ito.
"Anong ginagawa mo dito?" tanong ko sa kaniya.
Bago niya pa masagot ang tanong ko ay agad kaming natigilan at mabilis na napalingon sa aming gilid nung marinig namin ang pasigaw na pagtawag ng isang half half na tao kay juluis.
Hindi ko pa sure kung half tao ba ang isang yun. Medyo may pagka half animal din kasi ee.
Nakangising pinanood ko ang paglapit nito sa puwesto namin. Gusto kong matawa ng malakas dahil parang galit na galit pa siya sa akin kung makatingin na akala mo ay may masama akong ginawa kay Julius habang animong nagdadabog pa sa palakad.
Seloso.
"Babyloves ko? Bakit naman nakikipag usap ka sa haliparot na yan?" gusto kong masuka ng marinig ko ang pabebeng boses niya.
Para namang kinabahan yung isa sa tabi ko dahil medyo namutla pa siya nang tignan niya ng "babyloves" niya nang masama. Nakaamang pa ang bibig nito at minsan pang animong magsasalita siya ngunit walang nalabas na boses sa bunganga niya. Napailing nalang ako at binatukan ang kaibigan ko.
Under pala itong si pareng Julius.
"Arte mo, baklang bakla?" pang iinis ko pa sa kaniya ngunit inismiran lang niya ako at malanding kumapit sa braso ni Juluis.
"Ano namang pake mo, Zeratot?" nilakihan pa niya ako ng mata na animong naghahamon ng away.
"Wala, wala akong pake sayo, Caleb."
Inirapan ko muna siya bago ako mabilis na tumalikod na sa kanila at naglakad na papasok ng faculty. Ewan ko ba, basta nung maka graduate kami ay bigla nalang naglantad ng kabaklaan yang si Caleb, matagal na niyang tinago kasi natatakot siya sa papa niya at sa mga sasabihin daw namin. Etchoss ang baklang yun. Yung pagiging tanga nga dati ni Eq, natanggap namin ee. Siya pa kaya?
Sinong mag aakala na sila palang dalawa ang magkakatuluyan.
Ako nalang ata ang straight samin ng mga kaibigan ko, ewan ko nalang kay Silviana. Parang may something din ata.
YOU ARE READING
Love The Way You Lie
Diversos4 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin. Thank you!