Zera
"Gigil na gigil, parang may malalim tayong galit sa mundo ah? Ano na namang problema mo ngayon?" ayan agad ang bungad nitong si lengkon nung makita namin yung kapatid niya na halos masira na niya yung punching bag.
Kakapasok lang namin ngayon dito sa may gym nila, niyaya ako nitong step sister ko na mabait at dahil wala naman akong masyadong ginagawa ngayon ay pumayag nalang ako.
Nakita kong nagtungo si lengkon sa puwesto kung nasaan yung ate niya at pinanood niya ito sa walang sawang kakasuntok sa punching bag kaya naman nagtungo nalang ako sa tapat ng isang malaking salamin at doon nag maganda at nag selfie.
Post ko mamaya sa ig.
"Birthday na birthday mo tapos nakabusangot ka ngayon diyan. Dapat masaya ka ngayon, ate." rinig ko pa ang sabi ni lengkon sa kapatid niya.
Gusto kong matawa dahil alam ko naman ang dahilan kung bakit nagkakaganyan at wala sa mood ang kapatid niya. Tsk, parang iyon lang? Sa sama ng ugali niya marunong pa pala siyang magtanim ng sama ng loob? Patawa siya.
Ilang araw na din pala ang lumipas mula nung huli kaming nag usap nitong baliw kong step sister na isa, kilala niyo na yun. Mula noon ay hindi na ako nito pinapansin or kinakausap man lang, ni tignan nga ata ay hindi niya na magawa gawa pa. Hindi ko alam kung magiging masaya ba ako or ewan ee. Hindi na niya ako ginugulo pero parang naninibago ako, parang hindi ako sanay. Nakakabaliw naman.
Ano bang meron sa gusto niyang mangyari sa aming dalawa at magkakaganyan nalang siya ngayon? Ang tanga lang dahil hindi man lang niya inisip na yung tatay niya at nanay ko ay mag asawa. Mag step sister kami tapos gusto niya akong maging fuck buddy? Seryoso siya dun?
Saka hindi ako pumapatol sa babae.
"Hoy, ate!"
Mukhang hindi pa rin siya pinapansin ng kapatid niya kaya napatingin ako sa puwesto nilang dalawa at mariing pinanood yung isa sa ginagawa niya. Napakagat labi ako habang pinagmamasdan siya, masyado siyang sexy ngayon sa paningin ko, pawis na pawis na siya ngayon pero ang hot niya paring tignan. Pinagpapawisan na siya pero bakit parang mukhang mabango pa rin siyang tignan? Yay, sana all. Parang ngayon lang din ata ako nasexyhan sa ibang babae na may parang kakaibang nararamdaman, ako lang kasi ang sexy sa paningin ko duh.
Parang ang sarap pagpapaluin nung malaking puwet niya ngayon. Ror.
Seryoso bang iniisip ko siya ngayon? Yak! Hindi ako ito!
"Sino bang magiging masaya kung hinihiling ng iba diyan na mamatay kang single?" dahil doon ay hindi ko mapigilang matawa ng malakas na syang ikinalingon nilang dalawa sa akin.
Mukang hindi niya alam na kasama ako dito ngayon nung kapatid niya dahil nakita ko ang saglit na panlalaki ng mata niya sa gulat nung makita niya ako ngunit agad din iyong nawala at umiwas agad ng tingin sa akin na parang ikinainis bigla ng kaloob looban ko. Seryoso? iniiwasan niya talaga ako? Badtrip ah.
Sa sobrang inis ata na nararamdaman ko ay sinadya ko talagang magpunta doon sa treadmill na katapat niya mismo, sa harap niya talaga at doon kunyaring nag exercise pero nagpapa sexy lang talaga ako sa kaniya. Tignan natin kung hindi mo pa ako pansinin nito.
Nilingon ko ang puwesto niya ngunit ang gaga ay hindi talaga ako tinitignan kahit kaharap lang niya ako. Ang nakakainis pa talaga dun, yung mukha nung kapatid niya ang bumugad sa akin, nakatingin ito sa akin at parang natatawa sa pinaggagawa ko. Umiiling iling pa ito at tinignan ako nito na parang sinasabi na tigilan ko ang katangahan ko.
Oo na, naiinis lang ako, okay?!
"Para kang tanga na kulang sa pansin ngayon, Zera. Sana nakikita mo kung gaano ka katanga ngayon sa paningin ko." rinig ko pa ang natatawang sabi ni lengkon sa akin kaya sinamaan ko siya ng tingin.
YOU ARE READING
Love The Way You Lie
De Todo4 CONTENT WARNING: R-18| Mature theme| SPG Read responsibly Note: hindi ko po kayo pinipilit na basahin ang story ko kaya if you're not comfortable and wala din naman kayong magandang sasabihin please lang po, wag niyo nalang basahin. Thank you!